Dating obese na natanggalan ng takong, slim na ngayon

Imahe mula sa video ng Pinoy MD at sa Facebook ni Irene Delima
  • Maraming naging epekto ang pagiging obese kay Irene Delima
  • Isa na rito ay ang kawalan ng confidence lalo na nang matanggal ang takong ng sapatos niya dahil sa timbang niya
  • Nagpursigi siyang magsimula ng active at healthy lifestyle at ngayon ay malapit niya nang maabot ang target weight niya

Kung tatanungin kung ano ang most embarrassing moment ni Irene Delima, hindi siya magdadalawang isip sabihing ito ay nang matanggal ang takong ng kaniyang sapatos nang mag-abay siya sa kasal ng kaniyang kapatid.

Imahe mula sa video ng Pinoy MD via YouTube

Aminado siyang dahil ito sa mabigat niyang timbang. “Kumapit ako sa partner ko. Sabi ko, ‘Kuya, sandal lang. Natanggal yung takong ng sapatos ko sa sobrang bigat ko,’” kuwento niya sa Pinoy MD.

Talagang hindi raw healthy and diet niya noon at wala rin siyang exercise. Dahil nasa lahi na ang pagiging malaki, chubby na raw talaga siya noong bata pa. Pero habang lumalaki raw siya ay bumibigat din ang timbang niya. Naging obese na nga rin daw siya sa timbang na 203 pounds.

Dahil daw sa bigat at dami ng requirement noong college siya, naging stress reliever niya ang pagkain. “Three to four times akong nagra-rice. Kahit meryenda, nagra-rice ako. Puyat din kami sa thesis. Walang tulog, walang exercise,” sabi niya.

Naging turning point daw nang malaman niyang may pre-hypertensi0n na siya. “Sa first work ko for medical, sobrang laki ng timbang ko. Na-diagnose na ako ng pre-hypertensi0n. Yun talaga yung nag-trigger sa akin na mag-diet na ako,”sabi ni Delima.

Sinimulan niya sa simpleng exercise at diet plan ang kaniyang road to fitness. Una raw niyang binawasan ang pag-inom ng softdrinks at juice na noon ay nakahiligan na niyang ipares sa almusal, tanghalian, at hapunan.

Pinalitan niya ito ng tatlo hanggang apat na litrong tubig. Tuwing weekends naman, nagja-jogging siya at sinanay rin ang sarili na maglakad kung kaya.

I-click ang imahe para mapanood ang video via YouTube

Hindi raw naging madali para sa kaniya ang pagbabagong ito.

“First, sa water. Hindi talaga ako sanay na uminom ng maraming tubig. Magbabawas din ng kanin. Talagang gugutumin ka. Imbes na sweets, fruits or nuts na lang kakainin mo sa meryenda,” saad niya.

Nagbunga naman ang lahat ng sakripisyo at pagsisikap niya dahil mula sa 203 ay 128 pounds na lang siya, Ang waistline niya na dating 47, ngayon ay 35 na lang. Hindi pa raw ito ang ideal weight para kay Irene kaya naman patuloy pa rin siya sa pagsisikap. “Based on my height yung winowork out ko 53 or 54 [kilos],” sabi niya.

Dahil sa mga pagbabagong ito ay nagagawa niya na ang mga bagay na dati ay hinihiling niya lang. Isa na rito ay ang pagsusuot ng damit na gusto niya. Dahil noon ay XXXL siya, limitado ang kaniyang pagpipilian. Noon din daw ay hindi siya nakakasama sa mga kaibigan na mag-hike dahil nagdadalawang isip siya kung kakayanin niya.

“Sa hiking talagang tinodo ko this year, naka apat na hike ako,” sabi niya.

Keep it up!

Source :

YouTube

Loading…