DepEd Sec. Leonor Briones, naniniwalang kailangan ng reskilling at upskilling ng mga guro upang mapataas ang kalidad ng edukasyon

  • Inihayag ni DepEd Secretary Leonor Briones na kailangan daw dumaan sa reskilling at upskilling ang mga guro sa bansa
  • Ito raw ay upang mapataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa kasabay ng pagpapaunlad ng iba pang aspekto
  • Buo naman daw ang suporta ng DepEd sa pagpapatupad ng mga proyektong makapagpapaunlad sa pagtuturo ng mga guro

Isa sa mga sinisikap na paunlarin ngayon ng mga nasa pamahalaan ay ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Upang maihanda ang mga mag-aaral sa magandang kinabukasan, patuloy ang pagpapatupad ng mga proyekto sa pangunguna ng Department of Education (DepEd).

At sa isang talumpati sa paglulunsad ng Sulong EduKalidad noong Disyembre, idiniin ni Education Secretary Leonor Briones na maliban sa pagpapaunlad ng curriculum at pagpapaganda ng mga pasilidad, makatutulong din kung sasailalim sa reskilling at upskilling ang mga guro sa bansa.

Larawan mula sa Philippine Information Agency

Ayon kay Briones, dahil sa nagbabagong panahon, kinakailangan din umanong makisabay ng mga guro at paunlarin ang kanilang kakayahan at paraan ng pagtuturo upang maging epektibo ang pagbibigay ng impormasyon sa mga mag-aaral.

“Arguably the most crucial challenge, is with our teachers. With fast changing standards of education quality, our teachers must be able to constantly keep up with the times,” pahayag ni Briones sa kanyang talumpati.

Naniniwala rin daw siya na ang pagiging malikhain at mapamaraan ng mga guro ay siyang magiging sandata ng mga ito upang mapagtagumpayan ang anumang balakid na nakikita nila sa pagkatuto ng mga bata sa loob ng silid-aralan.

“As I have said many times, the battle for quality basic education will be fought and won inside the classroom, by our teachers,” dagdag pa ni Briones.

Larawan mula sa Philippine Information Agency

Upang matugunan ang pangangailangan ng mga guro sa upskilling at reskilling, magbibigay daw ng buong suporta ang DepEd para sa mga proyektong sasaklaw sa professional development na tiyak daw na magbibigay ng magandang oportunidad sa mga guro, kabilang ang pagpapaunlad ng kanilang kakahayan sa paghawak ng mga bata at pagtuturo sa mga ito.

Inilunsad ng DepEd ang proyektong Sulong Edukalidad upang bigyang pansin ang nagbabagong learning environment ng mga mag-aaral at bigyang-daan ang mga pag-unlad at pagsulong ng sistema ng edukasyon sa bansa at makasabay sa kalidad ng edukasyon sa iba’t ibang bansa sa mundo.

Source :

DepEd, DepEd Ph

Loading…