Diamond Star Maricel Soriano, bibida sa isang teleserye

  • Nagbabalik–teleserye ang tinaguriang “Diamond Star” na si Maricel Soriano
  • May working title itong “What Matters Most”
  • Makakasama niya rito sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, at Sam Milby

Muling magniningning ang kinang ng nag–iisang Diamond Star na si Maricel Soriano dahil sa kaniyang bagong teleserye sa ABS-CBN Kapamilya Network ngayong 2020, kasama ang iba pang mga sikat at mahuhusay na Kapamilya artists na sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, at Sam Milby na may working tile na “What Matters Most”.

Batay sa official Instagram page ni Jodi Sta. Maria na “@_jodistamariaph“, makikita ang pagdalo ng apat na bituin sa kanilang story conference na ginanap noong Enero 17, 2020 sa ABS-CBN compound. Ito ay nasa direksyon ni  FM Reyes, na siya ring nagdirehe ng maraming mga de–kalibreng teleserye sa Kapamilya Network tulad ng Maging Sino Ka Man (2006-2007), Lobo (2008), Magpahanggang Wakas (2016), at Nang Ngumiti Ang Langit (2019).

Image capture mula sa @jodistamariaph

Ang What Matters Most ay ang pangalawang teleserye ni Maria matapos niya bumalik sa ABS-CBN noong 2018. Ang unang teleseryeng ginawa niya sa pagbabalik sa kaniyang orihinal na home network ay ang “The General’s Daughter” na pinagbidahan ni Angel Locsin noong 2019. Matatandaang bumida si Maricel sa GMA prime-time series na “Ang Dalawang Mrs. Real” kasama sina Dingdong Dantes at Lovi Poe noong 2014.

Samantala, reunion project naman ito para kina Jodi at Iza, na nagkatrabaho noong 2014 para sa horror movie na “Maria Leonora Teresa”. Ang huling teleserye ni Jodi ay “Sino ang May Sala (Mea Culpa) kasama sina Bela Padilla, Kit Thompson, Ketchup Eusebio, Ivana Alawi, Sandino Martin, at Tony Labrusca noong 2019.

Ang huling teleserye naman ni Iza ay ang teleseryeng “A Love To Last” kasama sina Bea Alonzo at Ian Veneracion noong 2017. Tumatak naman bilang kontrabida si Sam Milby sa teleseryeng “Halik” noong 2018 hanggang 2019 kasama sina Yen Santos, Yam Concepcion, at Jericho Rosales.

Samantala, wala pang masinsing detalye ang inilalabas ng ABS-CBN ukol sa naturang bagong Kapamilya teleserye.

Makakasama rin sa What Matters Most ang mga Kapamilya rising teen stars na sina Zaijian Jaranilla at Chantal Videla.

Image capture mula sa @jodistamariaph

Loading…