Dingdong Dantes, sinakyan ang memes tungkol sa kaniya at ibinahagi ang paborito

Imahe mula sa Twitter | Dingdong Dantes
  • Usap-usapan ngayon sa social media ang iba’t ibang memes sa aktor na si Dingdong Dantes
  • Makikita sa mga ito ang photoshopped na larawan ni Dingdong sa iba’t ibang senaryo
  • Kahit ‘di malinaw kung saan galing ang trend na ito, game pa ring ibinahagi ni Dingdong kung alin sa mga ito ang kaniyang paborito

Trending ngayon ang aktor at host na si Dingdong Dantes sa social media dahil sa mga memes ng photoshopped niyang mukha sa iba’t ibang senaryo.

Imahe mula sa Facebook

Kaniya-kaniyang pagbabahagi ang mga netizens ng kanilang version ng Dingdong Dantes memes.

Ilan sa mga ito ay ang “Dingdong Gwantes,” na nagpapakita sa mukha ni Dingdong sa mga gwantes; “Ping Pong Dantes” na edited na larawan naman niya habang naglalaro ng ping pong; at “Dingdong Dante” na edited na larawan naman niya sa katawan ni Dante Gulapa, na ibinahagi rin ng aktor sa kaniyang Facebook.

Samantala, “Dingdong Harness” naman ang tawag kay Dingdong na nakasuot ng harness habang nasa isang bundok. “Dingdong Dance Steps” naman ang bansag sa photoshopped na picture niya habang sumasayaw. “Dingdong Mic Test” naman ang caption ng larawan niyang may hawak na mikropono.

Imahe mua sa Facebook | Dingdong Dantes

Bagama’t hindi malinaw kung saan nagsimula ang trend na ito, game na game sa pagsakay  rito ang aktor at ibinahagi pa kung alin sa mga ito ang naging paborito niya. Sa kaniyang social media post, sinabi niyang “And the winner is… Dingdong Done Test!” Makikita siya rito na nagtataas ng test paper na tapos niya nang sagutan.

Masaya naman ang netizen na si David Carlo Lucenera na gumawa ng meme na ito dahil sa pagiging good sport daw ng aktor. “Overwhelmed po dahil good sport po si sir Dingdong. Inacknowledge niya yung mga memes about sa kaniya,” sabi niya sa isang panayam sa GMA News Online.

Samantala, natuwa rin ang netizens sa pagsakay ng aktor sa memes. Inulan ng komento ang kaniyang post ng iba pang mga memes para sa kaniya. Nadamay na rin sa trend maging ang kaniyang asawang si Marian Rivera na inedit naman sa larawan ng isang donut at tinawag na “Bavarian Rivera.” “Marian Hilera” naman ang bansag sa mga nakapilang Marian Rivera.

Naaliw ka rin ba sa mga memes na ito? Ano ang paboritong Dingdong Dantes meme mo?

Loading…