Doc Nielsen Donato ng ‘Born to be Wild,’ tumulong na rin sa animal rescue ops

Imahe mula sa GMA News
  • Tumulong na ang Born to be Wild resident doctor na si Nielsen Donato sa animal rescue operations sa Talisay, Batangas
  • Kasama ni Doc Nielsen ang volunteer group na Guardians of the Fur
  • Maraming mga alagang hayop ang naiwan ng mga naglikasan nilang amo dahil sa matinding ashfall ng Bulkang Taal

Buhay na buhay ang bayanihan ng mga Pilipino sa oras ng pangangailangan. Ito ang napatunayan ng kusang-loob nilang  pagtulong sa mga naapektuhan, mapa-tao man o hayop, ng pagsab0g ng Bulkang Taal noong Linggo ng tanghali.

Imahe mula sa video ng Born to be Wild via Facebook

Kaniya-kaniyang gawa ng paraan ang mga Pilipino upang makatulong. Ang ilan, namimigay ng libreng masks. May iba naman na namimigay ng relief goods para sa mga pinalikas na residente. Ang iba pa ay sinisigurado naman na walang mga alagang hayop na maiiwan lalo na sa mga high risk areas. Isa na rito ang resident doctor ng Born to be Wild na si Dr. Nielsen Donato.

Sa page ng palabas ng GMA, ibinahagi nila ang 39-second video ni Doc Nielsen habang nagpapainom ng gatas sa isang tuta sa animal rescue operation sa Talisay, Batangas. “Kasalukuyang tinitignan ni Doc. Nielsen ang kondisyon ng mga aso at pusa na nasagip ng Born to be Wild team,” anila.

Kasama rin daw ni Doc Nielsen ang volunteer group na Guardians of the Fur na nangangasiwa sa rescue operations ng mga hayop doon.

Imahe mula sa video ng Born to be Wild via Facebook

“Dalawang buwan pa lang itong tutang ito. Nakita natin ‘yung sitwasyon doon na stressed ‘yung nanay, hindi nagpo-produce ng enough milk kaya may nakita kaming namatay na puppies doon. Buti na lang naagapan itong mga tuta na ito,” kuwento niya sa video.

Kamakailan ay napuno ang social media ng larawan ng mga hayop na naiwan ng kanilang mga naglikasan na amo kaya naman dumagsa ang tulong mula sa iba’t ibang organisasyon upang mailigtas din ang mga alaga roon. Ang MMDA K-9 unit kamakailan ay naghanap ng mga volunteer na tutulong sa animal rescue operations,

Loading…