DOH nakaalerto dahil sa misteryosong sakit mula sa China

  • DOH nakaalerto dahil sa isang misteryosong sakit mula sa China
  • Pinababantayan ng DOH ang mga pantalan at paliparan sa mga pasaherong pumapasok sa bansa na may lagnat at ubo
  • Ang misteryosong karamdaman ay kahalintulad umano ng viral pneum0nia na hindi pa nababatid ang pinagmulan

Mahigpit na ipinag-utos ng Department of Health (DOH) ang maigting na pagmomonitor sa mga biyaherong pumapasok sa bansa lalo na ang mga nanggagaling sa China kung saan may outbreak ng misteryosong karamdaman.

Imahe mula sa PNA

Sa isang press release, inatasan ng DOH ang Bureau of Quarantine na maging alerto sa pagbabantay sa mga biyaherong pumapasok sa seaports at airports ng bansa na makikitaan ng lagnat at palatandaan ng respiratory infecti0n.

Ang misteryosong karamdaman ay kahalintulad umano ng viral pneum0nia na hindi pa nababatid ang pinagmulan.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, umabot na sa 44 na tao sa China ang naapektuhan ng nasabing karamdaman. Hinihikayat niya ang publiko, partikular na ang mga nanggaling sa China, na agad na magpakonsulta sa doktor kapag may naramdamang “flu-like symptoms.”

“I urge the public, especially those with history of travel from China, to seek immediate medical consult if experiencing any flu-like symptoms,” ani Sec. Duque.

“Let us also embrace healthy lifestyles, practice proper hand hygiene, and observe cough etiquette to prevent transmission of respiratory infections,” dagdag pa ng kalihim.

Imahe mula sa PNA

Paliwanag ni Health Undersecretary Eric Domingo, bagaman at kahalintulad ng flu ang mga sintomas ng karamdaman, ang mga taong dinapuan nito sa China ay hindi nagpositibo sa flu virus.

“It’s like a regular feeling of heaviness, cough, cold, maybe a headache and a fever. It’s very similar to any kind of flu. However, this one there’s a clustering in this province in China and all of the people who had it, they did not test positive for any regular flu virus,” ani Domingo.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

“So it’s something new and there’s this exposure to a certain market in China that they are now investigating,” sabi pa ni Usec Domingo.

Wala pang naitala sa China na napahamak sa naturang karamdaman at wala pa ring nangyaring “human-to-human transmission.”

Source :

Inquirer, ABS-CBN

Loading…