Ella Cruz sa mga basher: Spread positive vibes

Imahe mula sa Instagram at Twitter | Ella Cruz
  • Nagpahayag ng pagkadismaya ang aktres na si Ella Cruz sa mga komento na natatanggap sa social media
  • Pinansin kasi ng netizens na tila buntis daw siya dahil tumaba siya
  • Paliwanag ni Ella, katatapos lamang ng Pasko at Bagong Taon kaya naman tumigil din siya sa pagda-diet

Bukod sa pagiging mahusay na artista ay kilala si Ella Cruz sa mga dance cover na ibinabahagi niya sa social media. Pero kamakailan lamang ay nalungkot siya sa naging reaksyon ng netizens nang muli siyang magbahagi ng video sa kaniyang Instagram.

Imahe mula sa video ni Ella Cruz via Instagram

Marami kasi ang nagkomento na mukha raw siyang buntis sa video. Paliwanag niya, katatapos lang daw kasi ng Pasko at Bagong Taon kaya naman natural lamang na nagpakabusog siya. Sunud-sunod din ang post ng aktres sa Twitter na halata ang pagkadismaya.

“Pagka artista bawal ba tumaba? Kailangan lagi namin ginugutom sarili namin para ma-maintain yung gusto ninyo? Katatapos lang ng Pasko at Bagong Taon, hindi ba pwedeng bakasyon din ang pagdiet?” sabi niya.

Sinundan pa niya ito ng isa pang tweet at sinabing confident daw siya sa katawan kaya niya naisipang i-post ang video pero dahil daw sa mga komento ng mga netizens ay nabawasan ang confidence niya.

“I feel confident with my body that’s why I posted the video but people body shaming me saying “tumaba ka,” “Buntis ka ba” make me feel bad about myself. STOP BODY SHAMING! Or more like STOP SAYING NEGATIVE THINGS TO OTHERS,” saad ni Ella.

I-click ang video para mapanood ang video via Instagram

Dagdag pa niya, masarap daw mabuhay kung walang mga mapanghusgang tao. “Everyone’s trying their best tapos all these people do is look for the negative side! Why not help them boost their confidence? Spread positive vibes. Masarap mabuhay nang ganun. All love. No hate,” sabi niya.

Hindi naman niya hinayaang maapektuhan ng negativity ang kaniyang hilig sa pagsasayaw at kamakailan lamang ay nag-post siya ng video habang sinasayaw ang trending na Tala Dance challenge. May mahigit 3 million views na ito ngayon sa Facebook.

Loading…