Endless Love, Full House, o Lovers in Paris: Alin sa mga klasikong K-dramas ang iyong paborito?

  • Maraming klasikong Korean drama ang naipalabas sa Pilipinas na naging bahagi ng viewing habit ng maraming Pilipino
  • Dahil bumenta ang mga ito sa Pilipinas, nagkaroon pa tayo ng sariling bersyon ng mga ito
  • Na-LSS din tayo sa mga soundtrack ng mga ito na inawit ng mga Pinoy singers tulad ni Kitchie Nadal

Sikat na sikat ngayon ang mga Korean drama o K-drama dito sa Pilipinas. Mula sa mga sikat na personalidad hanggang sa mga ordinaryong Pilipino, marami ay mayroong tinututukang K-drama sa iba’t ibang platform tulad ng telebisyon at mga streaming service tulad ng Netflix.

Halos buwan-buwan ay mayroong K-drama na inilalabas ang mga television network at streaming platforms na sinusubaybayan naman ng mga Pilipino. Ngunit bago pa dumating ang maraming K-drama sa bansa, mayroong ilang serye mula sa Korea na itinuturing nang klasiko at naging highest rating shows pa sa Pilipinas.

Larawan mula sa Ateneo

Matapos ipalabas ang unang Korean drama sa Pilipinas na Bright Girl sa GMA Network noong 2003, dumagsa na rin ang K-drama sa afternoon at primetime slots ng malalaking network sa bansa. Isa sa mga unang minahal na Korean drama ay ang kuwento ng wagas na pag-iibigan nina Johnny at Jenny sa Endless Love.

Unang ipinalabas sa Korea ang dramang “Autumn in My Heart” noong 2000 pa bilang bahagi ng apat na yugto ng Endless Love series. Ngunit dahil hindi pa naman uso ang streaming services noon at ang panonood sa Internet, tatlong taon matapos ang premiere sa Korea pa ito dumating sa Pilipinas. Dahil sa kasikatan nito, nagkaroon ito ng remake noong 2010 na pinagbidahan nina Dennis Trillo, Marian Rivera, Dingdong Dantes, at Kathryn Bernardo.

Minsan namang naging highest rating primetime show ang Korean dramang pinagbidahan nina Rain at Song Hye-Kyo na Full House. Hooked ang maraming Pilipino sa K-dramang ito na ipinalabas noong 2005 dahil hindi ito isang heavy drama bagkus isang romantic comedy. Napasikat ni Song Hye-Kyo na gumanap bilang Jessie ang awiting “Tatlong Bear” at maraming Pinoy ang gumaya sa trending na song and dance number na ito.

Nagtala ito ng highest rating na 52 percent at ilang ulit na ipinalabas sa GMA Network. Nagkaroon din ito ng Philippine TV remake na ipinalabas noong 2009 na pinagbidahan nina Richard Gutierrez at Heart Evangelista. Sikat din ang naging soundtrack nito na Fallin’ na inawit naman ng King of Soul na si Janno Gibbs.

Larawan mula sa Wikipedia

Hindi rin naman nagpahuli ang Kapamilya network sa pagpapasikat ng mga klasikong K-drama. Matapos ang pagsikat ng Taiwanese drama na Meteor Garden, nagpalabas na rin sila ng Korean series at isa sa mga tumatak ay ang Lovers in Paris. Sinubaybayan ito dahil sa ganda ng kuwento maging ang mga tanawin dahil kinuhanan ang maraming eksena sa Paris. Na-LSS din ang marami ang theme song nito na Wag na Wag Mong Sasabihin na inawit ni Kitchie Nadal.

Nagkaroon din ito ng remake noong 2009 na pinagbidahan ng powerhouse ex-couple na sina KC Concepcion at Piolo Pascual, kasama si Zanjoe Marudo.

Loading…