Enrique Gil sa kanyang girlfriend na si Liza Soberano: “You are an angel here on Earth”

  • Nagbigay ng birthday message si Enrique Gil para sa nobyang si Liza Soberano
  • Ayon kay Enrique, isang anghel daw sa daigdig si Liza dahil sa kabutihan nito
  • Trending naman agad sa Instagram ang mensaheng ito ni Enrique na kinakiligan ng fans

Hinahangaan ng maraming fans ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Dahil sa kanilang mahusay na pagganap sa iba’t ibang proyektong pinagsamahan nila sa telebisyon at pelikula, isa sila sa pinakasikat na love team ng kanilang henerasyon.

Ngunit ang samahan nina Liza at Enrique o mas kilala bilang LizQuen, ay nauwi sa totohanan at sila’y naging magkasintahan. At kamakailan lamang ay pinakilig muli nila ang kanilang fans nang magbigay ng birthday message si Enrique sa kanyang girlfriend na si Liza.

Larawan mula sa Instagram post ni Enrique Gil

Sa isang Instagram post, inihayag ni Enrique ang damdamin niya para kay Liza. Magkasama ang dalawa na nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon, at maging ng kaarawan ni Liza. Kalakip ang kanilang sweet moments sa Amerika, sinabi ni Enrique na isang anghel sa lupa si Liza dahil sa hindi mapantayang kaligayahang ibinibigay niya sa kanyang mga mahal sa buhay.

“Happy birthday my love… You truly are an angel here on earth. You just give so much, so much happiness and love and just I hope that me and the world can somehow give all of that love back to you,” bungad ni Enrique sa kanyang post.

Sinabi rin ni Enrique na si Liza ang pinakamagandang nilalang na nakilala niya sa mundo dahil sa kagandahan nito, hindi lamang sa pisikal na aspekto, ngunit pati ang kagandahan ng loob nito.

“You’re not just drop dead gorgeous babe you’re the most beautiful human being I’ve ever met. Sometimes it’s just too good to be true. So don’t wake me from this daydream and just keep on smiling, stay happy enjoy life and be as buang as you are haha I love you so much!” dagdag pa ni Enrique.

Larawan mula sa Instagram post ni Enrique Gil

Nag-trending agad sa social media ang sweet na mensaheng ito ni Enrique kay Liza. Umabot na sa halos 300,000 likes ang post habang isinusulat ang balitang ito. Isang matamis na ‘I love you’ naman ang sagot ni Liza sa post ng kanyang nobyo.

Inaasahang babalik na sa bansa ang dalawa dahil sa nalalapit na pagpapalabas ng kanilang bagong teleserye na Make It With You na idinirehe ng premyadong direktor na si Cathy Garcia Molina na nasa likod ng highest grossing film of all time na Hello, Love, Goodbye.

Loading…