Ethel Booba: “Nagkakagulo na sa ibang bansa, tayo rito sa Pinas, chill lang sa pagsayaw ng Tala

  • Nagdulot ng katatawanan sa mga netizens ang Twitter post ni Ethel Booba
  • Aniya, nagkakagulo na sa ibang bansa subalit ang mga Pilipino ay nagsasayaw lamang ng “Tala”
  • Ang tinutukoy ni Ethel na “Tala” ay ang sikat na sikat ngayong awitin ni Popstar Royalty Sarah Geronimo na makalipas ang apat na taon ay muling namayagpag at labis na sumikat

Likas sa mga Pilipino ang pagiging masiyahin. Anuman ang problemang nakapasan sa balikat, gaano man kabigat ang pagsubok na kinakaharap, asahan mong nakangiti pa itong sasalubungin at sosolusyunan. Ganiyan ang mga Pinoy!

Kaya naman, nagdulot ng katatawanan ang Twitter post ng komedyanteng si Ethel Booba kaugnay sa pagiging masiyahin ng mga Pilipino, lalo na’t nagkakagulo na sa ibang bansa, dahil na rin sa tensyon sa pagitan ng Amerika at Iran.

Imahe mula sa Twitter account ni Ethel Booba

Ayon sa kaniyang Twitter post, “Nagkakagulo na sa ibang bansa pero tayo dito sa Pinas chill lang sa pagsayaw ng Tala. Charot!”

Ang tinutukoy ni Ethel na “Tala” ay ang sikat na sikat ngayong awitin ni Popstar Royalty Sarah Geronimo na makalipas ang apat na taon ay muli itong namayagpag at mas sumikat. Patunay rito ang kabi–kabilang mga trending videos na ginagawa ng mga netizens sa pagsayaw at pag–indak sa “Tala Dance Challenge”.

Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens. Sabi ng isa, “Magandang pambalanse para hindi naman puro nega…”

Turan naman ng isa, “Iba talaga ang impluwensya ng Tala ni Sarah G., masyadong maliwanag kahit sa kasuluk-sulukan ng Pilipinas. Ganyan talaga tayong mga Pinoy. Cool lang hahaha…”

“It’s a funny observation and disturbing too, because it shows that we are not fun, loving people but we now have a culture of PAKI KO, MALAY KO, KEBER KO or the old school kasabihang MA AT PA,” matapang naman na komento ng isa.

“Carry lang kasi it’s more fun in the Philippines nga di ba kaya huwag na tayong makisabay sa problema nila. Sa happy lang tayo dapat, basta huwag kalimutan mag–pray para sa mga nakakaranas ng problema na iyan,” sansala naman ng isa.

Public Domain Image

Si Ethel Booba ay komedyanteng nagsimula sa mga comedy bar at pinasok ang mundo ng showbiz. Siya ang kauna–unahang celebrity grand winner ng Tawag ng Tanghalan Celebrity Edition sa It’s Showtime noong 2019. Kilala rin si Ethel sa mga nakatutuwang hirit at pakuwelang banat hinggil sa mga isyung panlipunan sa pamamagitan ng kaniyang social media.

Source :

Twitter

Loading…