EU nagbigay ng ?42M para sa mga pamilyang nasalanta ng Bulkang Taal

  • Tinatayang 63,000 katao ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers matapos masalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal 
  • Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagdagsa ng tulong mula sa mga kababayan natin, maging ng ibang nasyon tulad ng European Union (EU)  
  • Ang EU ay nagbigay na rin ng kanilang humanitarian assistance para sa mga Pilipinong nasalanta ng kalamidad

Ang pagsabog ng Bulkang Taal ang isa sa masasamang pangyayari na naganap sa buong mundo sa loob lamang ng unang buwan ng 2020.

Imahe mula sa Wikipedia ( Exec8)

Ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction, tinatayang 125,614 pamilya sa mga lalawigan ng Batangas, Quezon, Laguna, at Cavite ang patuloy na naaapektuhan sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkan. Tinataya namang may mahigit sa 63,000 katao ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers.

Sa kabutihang-palad, nariyan ang mga kababayan natin na patuloy na tumutulong sa mga apektadong residente.

Maging ang ibang nasyon ay nagbigay rin ng tulong sa mga apektadong pamilya tulad ng European Union (EU) na nagpaabot ng kanilang humanitarian aid na nagkakahalaga ng €750,000 or ?42 milyon.

Ayon sa report ng ABS-CBN, ang pondo nito ay nagmula sa Acute Large Emergency Response Tool ng EU.

Sa paliwanag ng EU Delegation na naka-base sa Maynila, inaasahan nila na makatatanggap ng kanilang tulong ang tinatayang 288,000 katao na nasalanta ng kalamidad.

“This contribution will support the local government of Batangas and our humanitarian partners on the ground in providing crucial support to those who have lost their shelters, belongings and sources of livelihood in the wake of the eruption of the Taal Volcano,” paliwanag ni Janez Lenar?i?, ang commissioner for crisis management ng EU.

Aniya, nakahanda ang EU na tulungan ang mga Pilipino at matiyak na ang mga apektadong mamamayan ay mabigyan ng proteksiyon at sapat na pangangailangan upang agad na makabangon sa mga ganitong kalamidad.

Imahe mula sa Pixabay

Ang humanitarian assistance na ito ay may kasama ring emergency shelter at mahahalagang gamit sa bahay tulad ng kumot, hygiene kits, at malinis na tubig.

May psychosocial assistance din silang ibibigay at maglulunsad din sila ng mga programa para sa kabutihan ng mga apektadong bata.

Source :

ABS-CBN, Rappler

Loading…