“Everyday Kath”: Other half ng KathNiel, gumawa na rin ng sariling YouTube channel

  • Masusubaybayan na rin si Kathryn Bernardo sa YouTube
  • Nitong Enero 3, 2020 ay opisyal na niyang binuksan sa publiko ang kaniyang YouTube channel
  • Sa bagong YouTube channel nito matutunghayan ang ‘not-so-glamorous part’ ng kaniyang buhay

Nasa mundo na rin ng YouTube ang kapamilya star na si Kathryn Bernardo. Pinamagatan niyang “Everyday Kath” ang kaniyang YouTube channel na sa mga oras na ito ay may libo-libo agad na subscribers.

“Hi there! I’m Kathryn Bernardo. You can call me Kath. As I welcomed a brand new decade, I’m opening myself to a fresh beginning—one that hopefully includes you,” nakasaad sa bahagi ng description ng kaniyang YouTube channel.

Imahe mula sa Facebook page ni Kathryn Bernardo

Ayon pa rito, ang channel na iyon ay magsisilbing salamin ng kaniyang pang-araw-araw na buhay particular umano sa “not-so-glamorous part” na hindi gaanong nakikita sa telebisyon.

“No scripts, no fuss, no pretense. Just me. Just your average ‘Everyday Kath.’ Welcome to my YouTube channel! I look forward to getting to know you better from here on out,” dagdag pa sa description nito.

Ang unang vlog ni Kath ay video ng kaniyang sarili na kumikilos sa saliw ng musikang “So This is Love” ni Ilene Woods mula sa soundtrack ng animated film na Cinderella.

Parang isang panaginip ang tema ng unang YouTube video ni Kath at napakasarap niyang panoorin habang gumagalaw. Napakaganda rin niya sa mga suot niyang gown.

“She’s dressed like a princess but she walks around barefoot. She’s all dolled up but she’s not afraid to bask in the sun. She looks familiar so believe you know her… but perhaps you don’t know her as well as you think you do; in fact, perhaps you don’t know her at all,” mababasa rin sa YouTube channel ni Kath.

Imahe mula sa Facebook page ni Kathryn Bernardo

Isa si Kath sa mga artistang maraming followers sa social media, tulad sa Instagram na may mahigit sa 10.8 milyong followers na.

Ang bagong dekadang ito ay bagong opourtunidad din sa mga artista sa mundo ng YouTube.

Tara nang mag-Everyday Kath:

 

Loading…