Father’s love: Anak na nagtatrabaho na, ikinuwento ang sakripisyo at pagmamahal ng amang pedicab driver

  • Umantig sa maraming netizens ang post ng isang call center agent patungkol sa ama nito
  • Na-appreciate niya kasi ang sakripisyo at pagmamahal ng ama niyang pedicab driver sa kanya
  • Pinaghahanda pa rin siya nito ng pagkain at inihahatid sa sakayan kahit nasa hustong gulang na siya at nagtatrabaho na

Isang karangalan para sa mga magulang ang magkaroon ng maayos na trabaho ang kanilang mga anak. At ang ilang magulang, kahit na may trabaho na ang kanilang anak ay hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal na ipinakikita. Pareho pa rin ang pagmamalakasakit at pagmamahal na ipinakikita nila noong mga estudyante pa ang kanilang anak.

Ganito ang kuwento ng netizen at call center agent na si Ronalyn Villanueva. Ikinuwento niya sa kanyang Facebook post na nagbago raw kasi ang oras ng kanyang shift mula 6 ng gabi ay naging alas dos ito ng madaling araw. Sinabi niya raw ito sa kanyang amang si Enrico na agad nag-alala sa anak dahil sa biyaheng gagawin nito nang alanganing oras.

Larawan mula sa Facebook account ni Ronalyn Villanueva

Alas-9 naman daw ng gabi papasok si Ronalyn kahit alas-2 pa ang pasok niya at sa quarters na lamang daw siya magpapatuloy ng pahinga. Ginising daw siya ng ama at nakahain na ang hapunan para sa kanya. Hindi rin nakalimutan ng ama na ihatid gamit ang pinapasada nitong pedicab ang anak na si Ronalyn sa sakayan.

Nang nasa sakayan na raw, hindi agad umalis ang kanyang tatay at hinintay na makasakay muna siya. Sa mga oras na iyon, sobrang proud si Ronalyn na nagkaroon siya ng isang maalagang ama. Bagaman simple lang ang trabaho nito bilang pedicab driver, hindi naman daw ito nagkukulang sa pagmamahal sa kanyang mga anak.

“Kapag di agad ako nakakauwi galing work ,tine-text mo ko agad kung bakit wala pa ako. Ikaw ang tagagising ko. Tagasaing kapag late na ako nagising. At ngayong gabing gabi ang pasok ko, inihatid mo ako,” salaysay ni Ronalyn sa kanyang post.

“Ikaw ang isa sa pinakarason kung bakit ako nagtatrabaho, kayong apat. Hindi ka nag sa-“Sana All” pero I’ll make sure that I’ll give whatever you ask me. Not now, but as soon as kompleto ko na yung ipon ko. You are the best man I ever had. Ladies and gentleman, Enrico Villanueva. Pedicad driver. The most amazing father God has given me . I love you,” pagpapatuloy ng proud daughter.

Larawan mula sa Facebook account ni Ronalyn Villanueva

Umantig naman sa maraming netizens ang post na ito ni Ronalyn. Umani na ito ng higit 3,200 reactions at 1,000 shares sa Facebool. Maraming social media users ang napa-sana all sa sweet moment na ito ng ama at ni Ronalyn.

“Aww.. I remember my tatay just now he make hatid of me din, almost the same na situation kanina. We are blessed..” sabi ng kaibigan ni Ronalyn sa kanyang post.

Loading…