FDA nagbabala laban sa pagbili ng hindi rehistradong healing oil ng El Shaddai

  • FDA nag-isyu ng babala laban sa dalawang healing ointments ng El Shaddai
  • Sinabi ng FDA na ang El Shaddai Menthol Healing Oil at El Shaddai Sampaguita Olive Oil ay hindi rehistrado
  • Hindi magagarantiyahan ng FDA ang kalidad at pagiging ligtas ng mga nabanggit na produkto

Nagbigay ng babala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili ng El Shaddai healing ointments na hindi subok at hindi rehistrado.

Imahe mula sa FDA

Naglabas ng isang public health warning ang FDA noong ika-10 ng Enero kung saan nakasaad na ang El Shaddai Menthol Healing Oil at El Shaddai Sampaguita Olive Oil ay hindi dumaan sa registration at testing process ng ahensya kaya hindi ito binigyan ng tamang awtorisasyon sa pamamagitan ng Certificate of Registration.

Dahil doon ay hindi magagarantiyahan ng FDA ang kalidad at pagiging ligtas ng mga nabanggit na produkto. Posible umanong makapagdulot ng pinsala kung gagamitin ang mga nabanggit na produkto.

“Thus, the Agency cannot guarantee their quality and safety. The consumption of such violative products may pose potential danger or injury if administered. The public is advised not to purchase the aforementioned violative products and to be vigilant against it,” saad sa bahagi ng FDA advisory.

Binanggit ng FDA na ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act no, 9711 o ang Food and Drug Administration Act of 2009 na ang “manufacture, importation, exportation, sale, offering for sale, distribution, transfer, promotion, advertising o sponsorship ng mga health products na walang tamang awtorisasyon mula sa ahensya.

Imahe mula sa FDA

Inabisuhan din ng FDA ang mga establisimyento at sinumang mga indibidwal na huwag i-distribute ang mga nabanggit na produkto hanggat hindi sila nabibigyan ng permiso.

Babala ng FDA, parurusahan ang mga lalabag.

Hiniling ng ahensya sa mga local government units at law enforcement agencies na siguruhing hindi maibebenta ang mga nabanggit na produkto sa lugar na kanilang nasasakupan.

Imahe mula sa FDA
Source :

FDA

Loading…