Fil-Am na magbabalikbayan hindi damay sa planong visa requirement sa mga US citizens

  • Visa requirement sa mga American citizens na magtutungo sa Pilipinas planong ipatupad ng pamahalaan
  • Nilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi sakop ng visa requirement ang mga Filipino-American na bibisita sa bansa
  • Ang visa requirement sa mga banyaga ay karapatan ng Pilipinas

Nilinaw ng Malacañang Palace na hindi sakop ng planong visa requirement sa mga Amerikano bago makapasok ng bansa ang mga Pilipinong naninirahan sa United States.

Imahe mula sa Visa Traveler

Ang planong visa requirement sa mga American citizens ay sagot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang pagbabawal na makapasok sa Amerika ang mga Filipino officials na may kinalaman sa pagpapakul0ng kay Senator Leila De Lima.

“Filipinos residing or sojourning in America, or our balikbayans, are not covered by our ultimatum should the US government pursue banning the entry of Filipino officials acting in accordance with the Philippine law apropos Sen. De Lima’s case,” paglilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Bukod sa visa requirement na planong ipataw sa mga Amerikano, may utos din si Pangulong Duterte na huwag papasukin ng bansa ang tatlong US Senators na sina Richard Durbin ng Illinois, Patrick Leahy ng Vermont at Edward Markey ng Massachusetts dahil sa tahasang panghihimasok nila sa soberenya ng Pilipinas.

Kabilang ang tatlong nabanggit na US senators sa mga nag-akda ng resolusyon hinggil sa entry ban laban sa mga Filipino officials at sa mga nananawagan na palayain si Sen. De Lima.

Public domain image

“As regards Sen. Durbin’s remark that this administration should stop threatening the travel of Filipino-Americans from the US to the Philippine territory, the same is likewise misplaced,” sabi ni Panelo bilang sagot sa pahayag ni Senator Durbin noong Martes, ika-31 ng Disyembre 2019 na insult0 umano sa Filipino-American community ang ginawang hakbang ng Pilipinas.

Ang visa requirements sa mga banyaga ay karapatan ng Pilipinas at hindi isang uri ng pang-iinsulto. Sa katunayan, ang America ay may visa requirement din sa mga Pilipino na nais magtungo sa kanilang teritoryo, ayon pa kay Panelo.

Imahe mula sa PCOO
Source :

Inquirer, MSN

Loading…