Forced evacuation sa mga residente, kabilang ang mga pulis na nasa taal danger zone ipinatupad na

  • Forced evacuation ng mga residente na nasa loob Taal danger zone ipinatupad na
  • Mga security forces na nasa loob ng danger zone pinalilikas na rin
  • Maglalagay ang PNP ng mga checkpoint na 15 kilometro ang layo mula sa Taal upang pigilan ang sinumang magtatangkang pumasok sa danger zone

Ipinatupad na ng mga awtoridad ang sapilitang paglikas ng lahat ng mga residenteng nasa loob ng 14-kilometer danger zone ng Taal Volcano habang nananatiling nakataas ang Alert Level 4 ng bulkan.

Imahe mula sa PIA

Ipinag-utos ni Brigadier General Vicente Danao, Jr., ang PNP Regional director para sa CALABARZON (Cavite Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), ang forced evacuation ng mga residente sa mga lugar na nasa ilalim ng total lockdown.

Noong Miyerkules, ika-22 ng Enero, ay pinag-usapan ng opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines ang exit plan para sa paglabas ng mga tao mula sa danger zone sa loob ng 48 oras.

Kabilang sa mga ililikas ang mga security forces na nagbabantay sa 14-kilometer radius danger zone.

“We are in the most crucial times; so, I am ordering the immediate evacuation of all residents within danger zone, including the relocation of our security forces. We were given by PHIVOLCS 48 hours. So, after 48 hours lahat ng tao namin diyan kukunin na rin namin,” pahayag ng PNP official.

Magtatayo ng mga check points na 15 kilometro ang layo mula sa Taal ang PNP upang masiguro na walang sinuman ang makapapasok sa danger zone.

Imahe mula sa PNA

“Mas maiging tayo ay nakahanda sa lahat ng pagkakataon. We value human life over property. Ang kaligtasan po ng lahat ang prayoridad ng kapulisan,” ani Danao.

Sinabi naman ni Elias Fernandez, ang regional director ng Department of the Interior and Local Government, na kung hindi madadala sa magandang pakiusap ay bubuhatin ng mga opisyal ang mga residenteng hindi makikipagtulungan sa paglikas.

“We’ll tell the police and the law enforcement agencies to do that, if possible. If that is what is needed to spare their lives, we’ll drag them out of those areas,” ani Fernandez.

Ang mga bayan ng Talisay, Agoncillo, Taal, Balete, San Nicolas, Sta Teresita at Lemery ay nasa ilalim ng total lockdown.

Imahe mula sa CNN PH

Loading…