Foundation sa Pilipinas, inalala ang pagdalaw ni Kobe Bryant noong 1998

Imahe mula sa Facebook at Instagram | Tuloy Foundation at Kobe Bryant
  • Inalala ng isang NGO na tumutulong sa mga kabataan ang pagdalaw sa kanila ng NBA Legend na si Kobe Bryant
  • Taong 1998 nang pumunta si Kobe sa Tuloy Foundation at nakipaglaro sa mga bata roon
  • Sinawimpalad si Kobe, kasama ang kaniyang anak na si Gianna at pitong iba pa sa helicopter crash kamakailan

Inalala ng isang non-government organization na nangangalaga sa mga kabataan sa Pilipinas ang pagbisita sa kanila ng NBA legend na si Kobe Bryant noong taong 1998.

Imahe mula sa Facebook | Tuloy Foundation

Tinawag ng Tuloy Foundation na “long-time friend” si Kobe matapos nitong dumalaw sa Tuloy Sa Don Bosco Makati kung saan nakipaglaro siya sa mga bata at pinakain pa ang mga ito noong unang beses niyang pumunta sa bansa.

Pagsariwa ni Fr. Marciano “Rocky” Evangelista, SDB, nakalaro pa niya noon ang Black Mamba. “I even got to play one-on-one basketball where I scored a 3 pointer against the legend himself,” sabi niya.

Nagpasalamat din si Fr. Rocky sa saya at inspirasyon na ibinigay ni Kobe sa kaniya, sa mga bata sa Tuloy Foundation at sa buong mundo.

Ipinaabot din nila ang pakikiramay sa mga naulila ni Kobe at ng iba pang kasama sa nag-crash na chopper. “Our Tuloy family would like to extend our heartfelt condo0lences and prayers to Vanessa and the Bryant family as well as the families of those who were affected by this unf0rtunate tragedy. May their s0uls rest in peace,” sabi nila sa kanilang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook | Tuloy Foundation

Unang pumunta si Kobe sa Pilipinas noong Agosto 1998. Nasundan ito noong September 2007, July 2009, July 2011, August 2013, at June 2016.

Minsan nang sinabi ni Kobe na madalas siyang bumalik sa bansa dahil sa passion ng mga Pilipino para sa basketball.

“I enjoy sharing the game of basketball and you know, Manila, of all the places that I’ve traveled, this has so much passion and enthusiasm for the game.That’s why I love coming back because I enjoy being around kids. I enjoy being around people who have the same passion,” sabi niya.

Kabilang ang 41 anyos na si Kobe at ang anak niyang si Gianna, 13, sa mga sinawim-paladi nang mag-crash ang sinasakyan nilang helicopter sa Calabasas, California. Pupunta sana sila sa Mamba Academy kung saan mag-eensayo si Gianna at coach naman ang kaniyang ama.

Loading…