Gladys Reyes, sinariwa ang 27 taong relasyon nila ng unang boyfriend at asawa na ngayong si Christopher Roxas

  • Sweet na sweet ang mensahe ni Gladys Reyes sa kanyang unang boyfriend at asawa nang si Christopher Roxas
  • Nagdiriwang kasi sila ng 27 taon ng kanilang relasyon na nag-umpisa noong sila ay mga dalagita at binatilyo pa
  • Sabi ni Gladys, si Christopher daw ang kasagutan sa kanyang dasal at  ang pinakamagandang regalo ng Diyos

Sa mundo ng showbiz, normal na ang balita ng hiwalayan sa mga personalidad na parehong nasa harap ng kamera. Anuman ang dahilan at kung paano man ito nagwakas, nagdudulot ng lungk0t sa fans ang hindi pagkakaroon ng happy ending ng kanilang mga idolo.

Ngunit mayroon din namang mga kuwento ng tagumpay, tulad ng istorya ng pag-iibigan ng primera kontrabida na si Gladys Reyes at aktor na si Christopher Roxas. Hindi na lingid sa kaalaman ng marami ang kanilang l0ve story ngunit marami pa rin ang kinikilig sa tuwing mapapagkukuwentuhan ito.

Larawan mula sa Instagram account ni Gladys Reyes

At sa pagdiriwang nila ng 27 taon bilang magkarelasyon, sinariwa ni Gladys sa kanyang Instagram account ang kuwento ng pagmamahalan nila ng mister. Isinalaysay niya na nag-umpisa lamang sa tinatawag na puppy love ang kanilang pagtitinginan at matapos ang ilang taon ay nauwi rin sa kasalan.

Magkasama noon sa seryeng Mara Clara ang dalawa kung saan sumibol ang kanilang pagtitinginan. Dose anyos lang daw noon si Christopher habang si Gladys naman ay 14 anyos lamang. Naging magkasintahan sila sa loob ng 11 taon at nagpakasal. Ngayon, 16 taon na silang kasal at mayroon nang apat na anak.

“You were 12… I was 14, puppy l0ve to childhood sweethearts to being married for 16 years… Now, 27 years of togetherness and counting. What we have is too good to be true but it’s God’s gift to us and you will forever be my answered prayer! Happy anniversary bebe!!! L0ve you since 1992 and loving you more ‘til today,” sabi ni Gladys sa kanyang post.

Marami naman ang kilig na kilig sa mensahe ni Gladys para sa kanilang wagas na pagmamahalan ng mister, kasama pa ang mga larawan nila simula noong mga nene at totoy pa lamang sila, hanggang sa kasalukuyan.

Larawan mula sa Instagram account ni Gladys Reyes

Kabilang sa mga pinusuan ang post ni Gladys ay ang mga kapuwa celebrity. Nagkomento ang mabuting kaibigan at asawa ni Judy Ann Santos na si Ryan Agoncillo sa larawan at sinabing sina Gladys at Christopher ang tunay na ‘relationship goals.’

Nagkomento rin ang iba pang celebrities tulad nina Manilyn Reynes, Angelu de Leon, Kyline Alcantara, Amy Austria, Thea Tolentino, at Gabby Concepcion. Umabot na rin sa halos 25,000 ang likes ng larawan habang isinusulat ang kuwentong ito.

Loading…