GMA reporter Howie Severino, nakabalik na sa bahay sa Batangas; iniulat ang mga pagbabagong napansin

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube
  • Isa ang reporter na si Howie Severino sa mga nakabalik na sa kanilang bahay sa Batangas
  • Mapalad daw sila dahil wala raw nawalang gamit nila kahit walang dingding ang silong ng bahay nila
  • May mga napansin din siyang pagkakaiba simula nang pumut0k ang Bulkang Taal mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas

Kabilang ang GMA reporter na si Howie Severino sa mga residenteng nakabalik na sa kanilang tahanan matapos ibaba ng Phivolcs sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube

Sa ulat niya sa GMA News, sinabi niyang kahit matinding paglilinis ang kailangang gawin dahil puno ng ashfall ang kanilang bahay sa Mataas na Kahoy sa Batangas ay nagpapasalamat siya dahil hindi tulad sa ibang mga bayan ay walang nawala sa kanila kahit na walang dingding ang silong ng bahay nila.

Ang kalapit na tindahan nila, hindi rin daw nawalan ng kahit ano. “Kung taga rito rin lamang talagang napakalaki ng tiwala namin. Saka ang aming tindahan ay ganito talaga, wala talagang pansara,” sabi ni Teresa Parati.

Kahit puno raw ng ashfall ang paligid, hindi pa rin daw ito kasing lala ng naranasan ng ibang mga bayan. “Puno ng ashfall pero hindi kasing grabe ng nangyari sa ibang bayan kasi yung hanging amihan northwest, at nasa east kami,” kuwento ni Severino.

Napansin din ni Severino ang mga pagbabago simula nang pumut0k ang bulkan noong Enero 12.

Ayon sa kaniya, iba na raw ang hubog ng Bulkang Taal ngayon. “Mas mataas at makikita na ang natuyong butas nito. Ang dating luntiang pulo, mukha nang disyerto,” sabi niya.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube

Bukod dito, mahigit dalawang metro na raw ang iniatras ng tubig sa silangang bahagi ng Taal Lake. “Ang paliwanag ng isang seismologist sa akin, dahil naubusan ng tubig yung crater lake at yung mga chambers sa ilalim niya, hinihigop ngayon ng bulkan yung tubig mula sa lawa kaya kumokonti ngayon yung volume ng Taal Lake,” paliwanag ni Severino.

Samantala, kahit maaari nang simulan muli ang buhay ng ibang mga taga Batangas ay nananatali pa rin daw silang alerto.

“Tulad na lang kami ng libo-libong residente sa paligid ng bulkan. Todo linis at alerto pa rin sa hindi natutulog na bulkan,” pagtatapos niya.

Source :

YouTube

Loading…