Grab drivers, maaaring mag-cancel ng booking kung palagay nila ay may nCoV ang pasahero

Imahe mula sa Grab at GMA News
  • Kinumpirma ng Grab na maaaring mag-cancel ng booking ang kanilang mga driver kung palagay nila ay may novel coronavirus (nCoV) ang kanilang isasakay
  • Ito ay matapos lumabas sa social media ang screenshots na nagpapa-cancel ng booking kung Chinese ang pasahero
  • Paalala naman ng Grab, dapat daw ay magalang at walang halong diskriminasy0n ang pagpapa-cancel

May karapatan ang mga driver na i-cancel ang booking ng kanilang pasahero kung palagay nila ay maaaring may novel coronavirus (nCoV) ang kanilang isasakay.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube

Kinumpirma ito ng Grab matapos na lumabas sa social media ang screenshots na nagpapa-cancel umano sa booking ng mga pasahero kung sila ay Chinese. “If you are a Chinese national, you are not welcome because all of you have Wuhan virus. Cancel the ride,” nakalagay sa screenshot.

Pero paglilinaw ng Grab, kahit na may karapatan na mag-cancel ang kanilang mga driver, dapat daw itong gawin sa maayos at magalang na pamamaraan.

“Drivers have the right to cancel the ride if they suspect that the passengers have contracted the Wuhan coronavirus but in a tactful, respectful, and non-discriminatory way. Grab does not tolerate discriminati0n, and any discriminat0ry act will lead to suspension or banning,” sabi nila sa kanilang pahayag.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube

Nakapanayam ng GMA News ang driver na si Slobex Bautista na nagsabing hindi siya nagka-cancel ng mga booking ngunit tinitiyak niyang malinis ang kaniyang sasakyan bilang pag-iingat sa nCoV dahil ayaw niyang iuwi ito sa kaniyang pamilya.

“Hindi naman po dini-discriminate. Nag-iingat lang po dahil mahirap po iyan pagka-nagkaroon ka ng coronavirus, apektado ang pamilya,” saad niya.

Naitala na ang unang kumpirmadong kas0 ng nCoV sa Pilipinas. Sinabi ng Department of Health na isang 38 anyos na babaeng Chinese na nanggaling sa Wuhan, ang epicenter ng nCoV, ang nagpositibo rito.

Dumating siya sa Pilipinas mula sa HongKong noong Enero 21 at noong Enero 25 daw ay nagpakonsulta ito sa San Lazaro Hospital dahil sa ub0.

“She is currently asymptomatic…which means she has no fever, and no other signs and symptoms suggesting illness at this point,” sabi ni Health Secretary Francisco Duque III.

Loading…