Grade 8 student, nagbalik ng pitakang may P6k pambili ng media noche

Imahe mula sa video ng QRT via YouTube
  • Isang Grade 8 student ang nagbalik ng napulot na pitaka sa Baao, Camarines Sur
  • Malaki ang pasasalamat kay Julianne Faye Preseno ng may-ari ng pitaka na naglalaman ng P6,000 cash at mga identification cards
  • Ang pera raw kasi na naroon ay gagamitin sa pambili ng pagsasaluhan ng kanilang pamilya sa media noche

Sa kabila ng samu’t saring negatibong kaganapan na ibinabalita sa bansa ay hindi pa rin nauubos ang mga Pilipinong may mabuting kalooban na laging handang gumawa ng mabuti kahit nang walang hinihintay na kapalit.

Imahe mula sa video ng QRT via YouTube

Sa katunayan, naging masaya ang pagdiriwang ng Bagong Taon ng isang pamilya matapos na maibalik sa kanila ang pitaka na nahulog ng isang maybahay na naglalaman ng pera na ipambibili ng mga handa nila sa pagsalubong sa 2020.

Sa ulat ng QRT sa GMA News TV, sinabing napulot ng Grade 8 student na si Julienne Faye Bricenio ang isang pitaka sa gitna ng daan sa Baao, Camarines Sur. Nang buksan niya ito ay nakita niyang naglalaman ito ng P6,000 na cash at mga identification cards.

I-click ang imahe para mapanood ang video via YouTube

Kahit malaking halaga ito para sa estudyante ay hindi siya nagdalawang-isip na ibalik ito sa tunay na may-ari. Hinintay raw nila na bumalik ito upang kunin ang pitaka pero makalipas ang ilang sandali ay wala pa rin ito. Dito na raw sila nagdesisyon na i-turn over sa malapit na police station ang pera.

Na-contact naman ng mga awtoridad ang may-ari sa tulong na rin ng mga ID sa loob ng pitaka. Dito na sila nagkita ng may-ari na si Janice Tapon. Malaki ang kaniyang pasasalamat sa kagandahang-loob ng dalagita. Ang perang iyon daw kasi ang ipambibili niya ng handa na pagsasaluhan ng kanilang pamilya para sa media noche.

Good job, Julienne! Nawa ay mas pagpalain ka pa at ang iyong pamilya sa taong 2020.

Source :

YouTube

Loading…