Guinness World record ng pinakamahabang buhok, kaya raw tapatan ng Pinoy

Imahe mula sa Guinnes World Records at kay Rex Dalumpines
  • Hawak ng isang 17 anyos na dalagita mula sa India ang Guinness World Record ng may pinakamahabang buhok na teenager
  • Umabot sa 190 cm o 6 ft. 2.8 inches ang kaniyang buhok
  • Samantala, sa Pilipinas, kaya raw itong tapatan ng isang musikero na may 6 ft na haba ng buhok na naka-dreadlocks pa

Isang musikerong Pinoy ang maaaring ipantapat sa Guinness World Record ng may pinakamahabang buhok.

Imahe mula sa Instagram | Guiness World Records

Kasalukuyang hawak ng 17 anyos na si Nilanshi Patel mula sa India ang record ng pinakamahabang buhok sa mga teenager sa habang 190 cm o 6 ft 2.8 inches. Siya rin ang may hawak nito noong 2018 ngunit ang haba lamang ng buhok niya noon ay 170.5 cm.

Sa Instagram ng Guinness, ibinahagi nila ang larawan ni Patel kung saan makikita ang haba ng buhok nito.

“Longest hair on a teenager record holder Nilanshi Patel from India was recently re-measured — her lengthy locks now reach 190 cm (6 ft 2.8 in),” sabi ng Guinness.

Hindi naman daw nagiging hadlang ang sobrang habang buhok niya upang magkaroon siya ng normal na buhay. Nakapag-aaral pa rin daw siya at nakapaglalaro. Ayon sa News 18, ginagamitan ng ina ni Patel ng secret ingredients ang langis na ginagamit upang panatilihing malusog ang kaniyang buhok.

Imahe mula sa video ng GMA News via Facebook

At kung pahabaan lang daw ng buhok ang usapan, hindi magpapahuli riyan si Rex Dalumpines dahil ang buhok niya raw ay may haba nang mahigit 6 ft ngunit naka-dreadlocks pa raw ito.

Kuwento niya sa GMA News, maraming oras daw ang kaniyang ginugugol upang ayusin ang kaniyang buhok na 22 years na niyang pinahahaba. Pero para sa kaniya ay worth it ito.

“Madalas natatanong ako o icebreaker kung bakit may ganitong kahaba ako na buhok,” sabi niya.

Sabi ng historian at sociologist na si Prof. Jim Naval sa GMA News, sa ancient Greece at Rome daw ay simbulo ng kapangyarihan ang mahabang buhok. Sa mga panahon ngayon, iba’t iba na ang dahilan ng pagpapahaba ng buhok kagaya na lamang ng pananampalataya, protesta, at iba pa.

Loading…