Hatol na ‘perpetual disqualification to hold public office’ laban kay Junjun Binay pinagtibay ng CA

  • Pinagtibay ng CA ang hatol na perpetual disqualification to hold public office laban kay dating Makati City mayor Junjun Binay
  • Ang hatol kay Binay ay kaugnay ng maanomalyang Makati Science High School building project
  • Ibinasura ng CA ang motion for reconsideration na inihain ni Binay

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang naunang desisyon na hindi na kailanman papayagang makaupo sa anumang posisyon sa gobyerno ang dating Makati City mayor na si Junjun Binay matapos ibasura ang motion for reconsideration na inihain ng dating alkalde.

Imahe mula sa Beyond Deadlines

Ang hatol laban kay Binay ay kaugnay ng maanomalyang Makati Science High School building project na nagkakahalaga umano ng P1.3 billion.

“Separate Motions for Reconsideration of the Consolidated Decision promulgated on 28 May 2019 are denied for lack of merit,” saad ng 12-page decision ng CA.

Si Binay ay inakusahan ng pandaraya sa bidding proccess para sa phase 6 ng school building na proyekto upang diumano ay paboran ang service contractor na Hilmarc na nagkakahalaga ng P166.85 million. Dahil hindi kumpleto ang impormasyon sa invitation to bid, ang Hilmar lang ang nakapagsumite ng bid documents na may bid proposal na P165.26 million.

Matatandaang noong nakaraang taon ay kinatigan ng CA ang hatol ng Office of the Ombudsman laban kay Binay matapos mapatunayang nagkasala ito ng graft kaugnay sa nasabing proyekto.

Imahe mula sa UNTV

Sinasabing guilty si Binay sa serious dishonesty, grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service. Nakipagsabwatan umano ang dating alkalde sa ibang city officials at iba pang pribadong indibidwal upang manipulahin ang procurement ng 10-storey school building.

Isinulat ni Associate Justice Ronaldo Roberto Martin ang CA resolution na sinang-ayunan naman nina Associate Justices Ramon Bato, Jr. at Associate JusticeRamon Cruz.

Loading…