Hawak-kamay tuwing “Ama Namin” sa loob ng simbahan tigil muna sa gitna ng nCoV scare

  • CBCP naglabas ng guidelines upang maiwasan ang pagkalat ng nCoV sa simbahan
  • Inirekomenda ng CBCP na huwag nang maghawak-kamay tuwing dinarasal ang “Ama Namin” at tuwing pagbibigayan ng Sign of Peace
  • Nilinaw ng CBCP na ang mga guidelines ay pakiusap lamang at hindi utos

Sa gitna ng kumakalat na 2019 novel coronavirus (nCoV), pinayuhan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Katolikong mananampalataya na iwasan na munang maghawak-kamay sa pagdarasal ng “Ama Namin” tuwing idinaraos ang banal na misa.

Imahe mula sa Sendai Support Center

Ang nasabing payo ay kasama sa alituntunin at “Oration Imperata” o special prayer na inilabas ng CBCP kasunod ng nCoV outbreak na nananalasa ngayon sa China kung saan mahigit 170 na ang hindi pinalad na makaligtas.

Bukod sa pag-iwas sa paghahawak-kamay, inirekomenda rin ng CBCP na tanggapin ang komunyon gamit ang kamay.

Hinihikayat din ang lahat ng mga simbahang Katoliko na dalasan ang pagpapalit ng mga holy water sa mga entrance ng simbahan kung saan nag-aantanda ang mga nagsisimba at ang paglalagay ng protective cloth sa grills ng confessionals.

Bukod pa roon, sa pagbibigayan ng kapayapaan (Sign of Peace) ay ngumiti na lang o kaya ay tumango. Huwag na umanong maghawak-kaway o maghandshake.

Nilinaw ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na ang mga nasabing guidelines ay hindi utos kundi mga suhestyon o pakiusap lamang upang maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang nCoV.

Imahe mula sa Just a Catholic

Ang pagdarasal ng Oration Imperata ay sisimulan sa ika-2 ng Pebrero, ang Pista ng Pagtatanghal ng Panginoon. Sa buong weekdays at tuwing Linggo darasalin ang special prayer na ito.

“In praying, we invite ourselves with all our brothers and sisters suffering with the disease brought by the virus, bring up to God our longing for them to be restored to full health and humbly pray that we may be spared from infection of this virus,” sabi ni Rev. Fr. Marvin Mejia, ang secretary general ng CBCP.

Imahe mula sa CBCP

Loading…