Heart Evangelista personal na nagdala ng donasyon sa tanggapan ng PAWS, nakipag-bonding sa mga aso

  • Marami ang naantig ang damdamin sa kalagayan ng mga hayop na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal
  • May mga tumulong na rin sa pagsagip sa mga hayop tulad ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS)
  • Maging ang spokesperson ng PAWS na si Heart Evangelista ay nagbigay rin ng tulong

Personal na pumunta ang dog lover na si Heart Evangelista sa tanggapan ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) upang ihatid ang kaniyang donasyon para sa mga hayop na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ito ay inanunsiyo ng PAWS sa kanilang Facebook page kung saan nilakipan nila ito ng mga larawan na nagpapakita kung paano nilapitan at kinarga ng aktres ang mga aso.

Imahe mula sa Philippine Animal Welfare Society Facebook page

“Our three rescued dogs from Taal got a surprise visit from PAWS Spokesperson, Heart Evangelista, as she was dropping off her donations at the PAWS Shelter,” pambungad ng PAWS sa Facebook post nito.

Tatlong aso ang nasagip ng PAWS na mula sa rescue operations. Pinangalanan nila ito na Buster, Aya, at Ashes. Nagpasalamat din sila sa lahat ng nagbigay ng donasyon tulad ng pagkain, tubig, at iba pang pangangailangan ng mga hayop.

Bukod sa mga aso, may mga kabayo at baka ring iniligtas ang PAWS. Nakiusap din sila sa mga nais magbigay ng tulong na magpadala ng sariwang damo sa kanilang tanggapan.

Ang mga kabayo at iba pang hayop na kanilang nailigtas ay pansamantala rin nilang dinala sa Balete, Batangas ngunit agad na inilipat sa Lipa City Veterinary Office.

“Horses and other farm animals that were rescued in the previous days from Taal Island are currently staying here in Balete and are being assessed by Dr. Modomo and team.”

“But Balete was recently included in the critical danger zone so we have to evacuate and transfer them to Lipa City Veterinary Office. Treatment for the animals will continue in Lipa as well,” paliwanag ng PAWS.

Imahe mula sa Philippine Animal Welfare Society Facebook page

Sa mga nais magbigay ng tulong, maaaring dalhin ito sa PAWS Animal Rehabilitation Center sa Aurora Boulevard, Katipunan Valley, Loyola Heights, Quezon City mula Lunes hanggang Sabado, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Tumatanggap din sila ng salaping donasyon na maaaring ideposito sa PAWS PNB Account Number 188870015305 at PAWS BPI Account No 3943-0086-11. Maaari ding magpadala online sa pamamagitan ng Paypal donations.

Loading…