Hiling na hair makeover ni Kendra Kramer, muling pinagbigyan ni Chesca

Imahe mula sa Instagram | Chesca Kramer
  • Ibinahagi ni Chesca Kramer sa Instagram ang mga larawan ng hair transformation ng kaniyang panganay na anak na si Kendra
  • Hiniling daw nito na pagbigyan siya sa unicorn streaked hair na gusto niya dahil naiibigan daw nito ang unicorn ombre hair niya noon
  • Napa-react sa mga larawan ang netizens at maging mga celebrity dahil dalagang dalaga na raw si Kendra

Kilala sa social media ang cute na cute na panganay na anak ng celebrity couple na sina Chesca at Doug Kramer na si Kendra dahil sa pagiging bibo nito. Ngayon ay nagdadalaga na siya at sa katunayan, nakiusap pa siya sa kaniyang mommy na pagbigyan siya sa hair makeover na gusto niya.

Imahe mula sa Instagram | Chesca Kramer

Ibinahagi ni Chesca ang mga larawan ng sampung taong gulang na si Kendra sa kaniyang Instagram at sinabing “This cutie pre-teen wanted to have a little makeover! She has been begging me for the longest time… I finally gave in.”

Nagustuhan daw kasi noon ni Kendra ang unicorn ombre hair niya kaya naman ngayon ay unicorn streaked hair naman ang kaniyang sinubukan.

Hindi naman napigilan ng mga celebrity na magreact sa hair transformation na ito ni Kendra. Si Camille Prats, tinawag na “nice” ang bagong hairstyle ni Kendra. “Ang cute! How long did it take?” naman ang komento ni Iya Villania.

Imahe mula sa Instagram | Chesca Kramer

May isang netizen naman na nagsabing “nice and perfect for her age” ang unicorn streaked na buhok.

Ang Instagram user na si mnch_a, hindi raw ito ipapakita sa kaniyang anak na matagal na ring gusto ng ganoong buhok. “Oh my. I am not showing this to my daughter! She has been wanting one like this,” sabi niya.

Napabalik-tanaw naman ang isang netizen sa mga panahon na batang bata pa si Kendra.

“Sobrang ganda. Dalaga ka na, Kendra. Dati lang naiyak ka pa. Nakasuot ka ng red gown, gusto mo uminom ng red wine. Ngayon dalaga ka na,” sabi niya.

Source :

Instagram

Loading…