‘I apologize for yesterday’s bad example’: Pope Francis, nag-sorry sa pamamalo sa deboto

Imahe mula sa video ng ABS-CBN News/Reuters via Facebook
  • Nag-sorry si Pope Francis sa naging reaksyon niya nang bigla siyang hilahin ng isang deboto
  • Makikita sa mukha ng Santo Papa na nagulat at nasaktan siya kaya naman napalo niya nang dalawang ulit ang babae
  • Sabi niya, minsan daw talaga ay nauubusan ng pasensiya ang tao kaya humingi siya ng paumanhin sa hindi magandang halimbawang ipinakita niya

Humingi ng paumanhin si Pope Francis sa naging reaksyon niya nang bigla siyang hablutin ng isang babae sa St. Peter’s Square sa Vatican noong New Year’s Eve.

Imahe mula sa Instagram | Pope Francis

Ayon sa Santo Papa, minsan daw talaga ay nawawalan ng pasensiya ang tao. “We often lose patience. So do I. And I apologize for yesterday’s bad example,” saad ni Pope Francis.

Sa video na iniupload ng ABS-CBN News, makikita ang Santo Papa na masayang bumabati sa mga deboto bago salubungin ang Bagong Taon. Pagkatapos niyang hawakan ang mga bata ay tumalikod na si Pope Francis para umalis pero bigla na lamang siyang hinatak ng isang babae.

Makikitang may sinasabi ang babae habang hawak pa rin ang kamay ng 83 anyos na Papa. Dalawang beses niya itong pinalo sa kamay bago siya binitawan ng babae at saka siya nakasimangot na umalis.

I-click ang imahe para mapanood ang video via Facebook

Agad na pinag-usapan sa social media ang video na ito. Marami naman ang nakaintindi kay Pope Francis dahil mukhang nasaktan daw ito sa pagkakahila ng babae.  Sabi ni A. del Rosario, “It was obvious that the Pope got hurt when the woman pulled his wrist. His reaction was very normal. Anyone who gets hurt will do the same.”

Komento naman ng isang senior citizen, naiintindihan niya raw si Pope dahil kahit siya ay nararanasang masaktan maging ng mga pakikipag-kamay. “I noticed too, at my age of 67, simple handshakes from some people cause me some pain too,” sabi ni T. Leonila. Ating alalahanin na 83-anyos na si Pope Francis at mahirap kung siya’y matutumba dahil sa mga biglaang panghihila.

Loading…