Paalala: Iligtas din ang mga alagang hayop sa gitna ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal

  • Kasalukuyang nag-aalboroto pa rin ang Bulkang Taal 
  • Ang mga pinong bato na ibinubuga ng bulkan ay mapanganib sa kalusugan
  • Ang mga hayop ay kailangan ding bantayan at pagmalasakitan upang hindi rin mapinsala ang kanilang kalusugan

Sa nagaganap na pag-alboroto ng Bulkang Taal, hindi lamang mga tao ang biktima ng kalamidad na ito kundi maging ang mga hayop.

Sa kasamaang-palad, may mga lumaganap na larawan sa Facebook ng mga hayop na napabayaan na ng kanilang mga tagapag-alaga sa mga panahon na may hindi inaasahang pangyayari tulad ng sa Taal volcano, sa bushfire ng Australia at iba pang bansa. Magig paalala nawa ang mga ito sa kahalagahan ng buhay ng ating mga alaga.

For illustrative purposes only [Imahe mula sa Facebook | Furr Station]

Paano ba ito maiiwasan?

Dahil dito, pinaalalahanan ng mga animal lovers, partikular ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS), ang mga apektadong mamamayan na isamang ilikas ang kanilang mga alagang hayop.

Sa isang Facebook post ng PAWS, inianunsiyo nila na magsasagawa sila ng ocular inspection hinggil sa sitwasyon sa Batangas at titingnan nila kung ano ang magagawa nila para sa mga hayop.

May paalala rin ang PAWS sa mga may alagang hayop at sa mga pasilidad na may mga hayop upang mapangalagaan ang mga ito mula sa mapanganib na epekto ng ashfall.

Una, panatilihin ang mga alagang hayop sa loob ng bahay. Kung malaki ang hayop, ipasok ang mga ito sa isang ligtas na tirahan.

Pangalawa, tiyakin din na walang abo ang kanilang kinakain. Hugasan naman ang mga damo o halaman na ipapakain sa mga kambing, tupa, baka, o kalabaw.

Ikatlo, bantayan ang mga alagang hayop kung ang mga ito ay inuubo o nahihirapang huminga. Agad naman ipasuri sa beterinaryo kung kakikitaan ng mga ganitong sintomas.

Ikaapat, kung na-exposed sa abo ang alagang hayop, punasan o paliguan ang mga ito. Tiyaking hindi nila madidilaan ang mga abo sa kanilang katawan.

Imahe mula sa PAWS Facebook pagePAWS

Ikalima, mainam na maglinis ng kapaligiran. Basain at walisin ang mga abo sa inyong paligid.

Dagdag pa ng PAWS, ang mga abong ibinubuga ng bulkan ay maaaring makasira sa mga mata ng hayop at magresulta sa pagkabulag. Maaari din itong makasira sa kanilang respiratory system.

Source :

Facebook

Loading…