Inakalang tao, mannequin pala: Dala ng Lalamove rider, kinaaliwan ng netizens

  • Kinaaliwan sa social media ang larawan ng isang Lalamove rider na ibinahagi ni Bryan Navarro
  • Marami ang kinabahan dahil inakala umano nilang tao ang bitbit ng Lalamove rider na nakuhanan ng larawan ng netizen noong January 7
  • Natawa na lamang ang mga ito nang mapagtanto nilang mannequin pala at hindi tao ang dala ng rider ng motorsiklo

Viral sa social media ang larawan ng isang Lalamove rider dahil sa nakawiwindang na bitbit nito sa kaniyang motor.

Imahe mula kay Bryan Navarro | Facebook

Sa Facebook, ikinagulat ng maraming netizens ang ibinahaging larawan ni Bryan Navarro noong January 7.

“Kinabahan naman ako,” sabi nito sa kaniyang post kasama ang larawan ng isang Lalamove driver at bitbit nito sa kaniyang motor.

Agaw-pansin ang larawan dahil makikita rito ang mga pares ng kamay at paa na nakataling mabuti at nakasilid sa bag ng Lalamove rider. Ikinagulat ito ng netizens dahil sa umpisa ay aakalain nga namang tunay na mga bahagi iyon ng katawan ng tao.

Natawa na lamang ang mga ito nang mapagtanto nilang ang mga bahaging iyon ay hindi sa tao sa halip ay sa mannequin na bibit ng rider.

Hindi na lingid sa kaalaman ng karamihan na marami talaga ang nagpapadala ng gamit at paninda sa tulong ng mga courier service na nakamotor. Mas nagiging mabilis kasi ang paghahatid ng mga bagay gamit ang ganitong uri ng sasakyan lalo na sa Metro Manila.

Naging biruan na lamang tuloy sa social media ang larawan ng Lalamove driver na may kakaibang dala sa kaniyang sasakyan

Imahe mula kay Bryan Navarro | Facebook

“Haha, dear. Unang tingin ko akala ko tunay na parts ng tao. Hahaha! Pambihira,” natatawang komento ni CK.

“Hindi na pala puting van ang nagunguha ngayon. Lalamove na pala,” ani HKY.

“Ito yata yung parang angkas na Lalamove. Hahaha,” sabi naman ni DC.

Source :

Facebook

Loading…