Inang nakalaya mula sa rehas ng sariling mga anak, nangangailangan ng tulong para sa gamutan

Imahe mula sa video ng Kapuso Mo, Jessica Soho via Facebook
  • Isang 74 anyos na ina ang ikinul0ng ng kaniyang mga anak dahil sa tak0t na makasakit ito dahil sa kondisyon niya
  • Sa tulong ng Kapuso Mo, Jessica Soho ay nakalabas ito at naipatingin sa espesiyalista na nagsabing Schiz0phrenia ang kondisyon niya
  • Kahit sinagot na ang unang dalawang buwan ng gamutan ay nangangailangan pa rin ito ng suporta para sa tuluy-tuloy na paggaling niya

Nangangailangan ng tulong ang isang 74 anyos na ina mula sa Misamis Occidental na naipasok na sa mental health institution matapos ikul0ng ng halos dalawang taon ng sariling mga anak niya dahil sa tak0t na siya’y makapanakit.

Imahe mula sa video ng Kapuso Mo, Jessica Soho via Facebook

Sa panayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa mga anak ni alyas “Nida,” sinabi nila na isang ulirang ina ito. Ginagampanan daw nito ang responsibilidad sa kaniyang mga anak sa pamamagitan ng pagtitinda.

Ngunit nagbago raw ang lahat taong 2014 nang sumakabilang-buhay ang asawa nito dahil sa sakit sa atay. Tila hindi raw kinaya ni Nida ang sakit nang mawala rin ang kaniyang matalik na kaibigan noong sumunod na taon. Dito na raw nila napansin na tila may kakaiba sa ikinikilos ng ina. Sa katunayan, may mga pagkakataon daw na nagpapanggap itong patay.

“Sabi ng kapatid ko, ‘Ano bang nangyayari kay mama? Kanina umiiyak na ako dahil hindi na humihinga tapos maya-maya bigla na lang humahalakhak,” sabi ng kaniyang anak.

Gabi-gabi raw sumisigaw ang kanilang nanay kaya hindi raw makatulog ang kanilang mga kapitbahay. Sa pangambang baka tuluyang mawala sa sarili ang ina at makapanakit ay nagdesisyon daw sila na ilayo ang ina.

Halos kalahating oras ang layo ng ‘kulungan’ ng ina mula sa kanilang bahay. Gawa ito sa bakal at may kahoy at yero rin sa paligid upang makasigurado na hindi ito makatatakas dahil ilang ulit na raw itong nagtangka.

Sa tulong ng programang KMJS at Municipal Health Office ng Baliangao ay nailabas mula sa kaniyang kulungan si Nida at sa unang pagkakataon ay naipasuri sa espesyalista. Sabi ng psychiatrist na si Dr. Mario Rafael Estella, Schiz0phrenia ang kalagayan nito.

“Ang kaniyang manifestation is more on Schiz0phrenia. Sa mood disorder naman meron talagang mga emosyon na hindi mo mapipigil.”

Imahe mula sa video ng Kapuso Mo, Jessica Soho via Facebook

Ayon  kay Dr. Rodney Boncahes, isang psychiatrist sa National Center for Mental Health, madalas na maging concern ng mga kaanak ang inaasal ng pasyenteng may ganitong kalagayan.

“Ganoon ang nagiging paraan ng ibang mga kamag-anak, ikinukul0ng nila, which is hindi siya makataong paraan. Ang pananaw nila, ang taong may kondisyon sa pag-iisip ay hindi na puwedeng magtrabaho o magkaroon ng maayos na buhay na hindi naman totoo kasi puwede namang gamutin ‘yung mga taong may kondisyon sa isip,” paliwanag niya.

Inirekomenda ni Dr. Estella na agarang ipasok sa mental health institution si Nida. Noong Biyernes, sa pagtutulungan ng KMJS LGU ng Baliangao ay naipasok na siya sa isang pasilidad sa Cagayan de Oro. Nasagot na ang unang dalawang buwang gamutan niya ngunit nangangailangan pa raw siya ng pangmatagalang suporta.

Sa mga nagnanais na mag-abot ng tulong kay Nanay Nida ay maaari itong ipadala sa:

LAND BANK OF THE PHILIPPINES-CALAMBA MISAMIS OCCIDENTAL
ACCOUNT NAME: GENNY LERA (0936) 079 7915
ACCOUNT NUMBER: 4216 0151 56

Source :

KMJS

Loading…