Indonesia, pinalagan ang China hinggil sa usaping teritoryal sa karagatan

  • May isyu sa pagitan ngayon ng Indonesia at China sa pagpasok ng 2020
  • Pumasok umano ang isang Chinese coastguard vessel sa exclusive economic zone ng hilagang kapuluan ng Natuna na bahagi ng Indonesia
  • Pinalagan naman ito ng Indonesia at pinagpapaliwanag ang China sa naturang aksyon

Pinalagan ng pamahalaan ng Indonesia ang ginagawang pag-angkin ng bansang China sa exclusive economic zone nito sa South China Sea dahil hindi raw ito kinikilala ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea nitong unang araw ng Enero sa taong 2020.

Dalawang araw na ang protesta ng Indonesia laban sa China dahil sa namataang Chinese coastguard vessel na sakop ng teritoryo ng Indonesia pagdating sa katubigan. Pinasok nito ang exclusive economic zone ng hilagang kapuluan ng Natuna.

Public Domain Image

Sa pahayag naman  ni Chinese Foreign Ministry spokesman Geng Shuang, sinabi niyang may soberanya ang China sa Spratly Islands, gayundin sa mga anyong–tubig na nakapalibot dito, lalo na sa South China Sea.

Noong Miyerkules, lumabas naman ang pahayag ng Indonesia na kailangang ipaliwanag ng China ang kanilang ginawa, na naaayon sa “legal basis and clear borders” na nakabatay naman sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“China’s claims to the exclusive economic zone on the grounds that its fishermen have long been active there…have no legal basis and have never been recognized by the UNCLOS 1982,” ayon sa foreign ministry.

Umani naman ito ng komento mula sa mga Pilipinong netizens. Matatandaang may hidwaan din ang Pilipinas at China hinggil sa South China Sea o tinatawag nating West Philippine Sea.

Ayon sa isa, “I was there in Natuna when I was working in the oil industry and Marathon Petroleum as our client. Indonesia has an airbase in Natuna Island. When you are powerful, you can intimidate others. This is a good example.”

“Buti pa ang ibang bansa handang ipaglaban ang sarili nilang teritoryo samantalang ang Pilipinas mas may karapatan pero walang magawa at hindi makapalag,” turan naman ng isa.

Public Domain Image

May naisip naman ang isang netizen. “Pwede mag–collaborate ang Indonesia and Philippines pagdating sa ganyan para mapigilan ang China sa pag-angkin ng mga teritoryo natin.”

Ang Republic of Indonesia ay isa sa mga bansa ng Timog–Silangang Asya na matatagpuan sa pagitan ng Karagatang Indian at Pasipiko. Ito ang pinakamalaking kapuluang bansa o island country sa buong daigdig. Jakarta ang kabisera ng bansang ito, na karatig–bansa lamang ng Pilipinas.

Loading…