Isa pang US Senator banned na rin sa Pilipinas

  • Isa pang American senator  ang binawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapasok sa Pilipinas
  • Si Senator Edward Markey ang ikatlong US senator na bawal nang pumasok sa bansa
  • Nauna nang binawalan ng Pangulo na makapasok sa Pilipinas sina Senator Richard Durbin at Senator Patrick Leahy

Isa pang American senator ang binawalan ni Pangulong Rodrigo Dutrte na makapasok sa Pilipinas. Nauna nang binawalan ng Pangulo na makapasok sa Pilipinas sina Senator Richard Durbin at Senator Patrick Leahy.

Public domain image

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo nitong Miyekules, ika-1 ng Enero, na hindi na rin papayagang makapasok ng bansa si Senator Edward Markey ng Massachusetts dahil sa panawagan nitong palayain ng pamahalaan ang nakapiit na si Senator Leila De Lima.

Ang ban kay Senator Markey ay bunsod din ng pagsuporta niya sa entry ban na ipinatupad ng US government laban sa mga Filipino officials na diumano ay may kinalaman sa pagpapakulong kay Senator De Lima.

Ang tatlong nabanggit na US senators ay kabilang sa labing-isang American Senators na nag-sponsor ng Senate Resolution 142 na ipinasa ng US Senate Foreign Relations Committee. Ang resolusyon ay isang panawagan sa Philippine Government na palayain si Sen. De Lima na noon pang Pebrero 2017 nakapiit.

Ang walong iba pang US senators na nag-sponsor ng Senate Resolution 142 ay sina Marco Rubio, Marsha Blackburn, Chris Coons, Jeff Merkley, Tina Smith, Brian Schatz, Dianne Feinstein at Benjamin Cardin.

Imahe mula sa official websites nina US Senators Dick Durbin at Patrick Leahy

Hindi nilinaw ni Panelo kung bakit hindi kasama sa ban ang walo pang American senators na nag-sponsor ng resolusyon.

Nagbanta rin ang pamahalaan na kung ipatutupad ng America ang entry ban sa US ng  mga Filipino officials na may kinalaman sa pagkakapiit ni Sen. Leila De Lima ay ire-require na kumuha ng visa ang lahat ng American citizens na nais bumisita sa Pilipinas.

Imahe mula sa PCOO

Loading…