Isang kuwago na hindi makalipad dahil sa sobrang katabaan, na-rescue

  • Isang kuwago ang iniligtas sa eastern England dahil hindi makalipad
  • Inakala ng Suffolk Owl Sanctuary na nasaktan o kaya naman ay basang-basa ito kaya hindi makalipad
  • Nalaman ng owl sanctuary na hindi makalipad ang kuwago dahil sa sobrang katabaan

Mabilis na tumalima ang Suffolk Owl Sanctuary sa isang tawag upang iligtas ang isang kuwago na nakitang basang-basa at nasa loob ng isang hukay sa eastern England noong January 3.

Imahe mula sa Suffolk Owl Sanctuary

Nang kunin nila ang kuwago, sinabi ni Rufus Samkin, ang head falconer ng owl sanctuary, na inakala nilang nasaktan o nasugatan ito o kaya naman ay basang-basa kaya hindi makalipad. Ngunit nang patuyuin na ito at nasigurong mabuti naman ang lagay ng kalusugan, nahihirapan pa rin itong lumipad patungo sa mga dapuan ng ibon sa loob ng aviary.

“We looked at it thoroughly and found that there was nothing wrong with it, other than the fact that it was extraordinarily overweight. It was very, very plump and very wet,” ani Rufus Samkin.

“Owls do have an issue with waterproofing — so if they do get wet they can’t fly as well. But this one couldn’t really fly at all,” dagdag pa niya.

Marami umanong “fatty deposits” sa hita at sa tiyan ang kuwago. Mas malaki rin ito kumpara sa mga average female owls.

“It was about one third bigger than the average female we’d get — so significantly larger,” ani Rufus.

Inalam ng team ni Rufus kung ang kuwago ay inalagaan bilang isang pet, subalit wala silang nakitang palataandaan na ganoon nga, lalo na at tinatanggihan nito ang mga pagkain na karaniwang ipinapakain sa mga pet birds.

Imahe mula sa Suffolk Owl Sanctuary

Mas gusto umano nito ang mga pagkain na kinakain ng mga wild owls.

Nang mag-imbestiga ang owl sanctuary at ininspeksyon ang lugar kung saan ito natagpuan, nalaman nila na maraming daga sa lugar.

“Where she was found is very productive land, and it’s been a mild winter and there’s a lot of food around – voles, mice,” ayon kay Rufus.

Sa loob ng dalawang linggong pananatili sa owl sanctuary ay nabawasan ng hanggang 30 grams ang matabang kuwago. Ilang araw pa ay ini-release na ito sa wild matapos maging normal ang timbang nito.

Source :

Instagram, CNN

Loading…