Isang mobile network, gagawing donation sa Taal evacuees ang rewards points ng kanilang mga subscribers

  • Maaari nang maging donasyon ang inyong rewards points kung kayo ay Globe subscribers
  • Ang 100 points sa rewards app ay tutumbasan din ng 100 pesos na donasyon sa mga evacuees sa Batangas
  • Sa kasalukuyan ay libo-libong mga kababayan na natin ang natulungan ng nasabing proyekto

Nakikita ang bayanihan ng mga Pilipino sa oras ng kalamidad tulad ng pagput0k ng Bulkang Taal. Ordinaryong Pilipino man o mayroong katungkulan at mataas na posisyon ay gumagawa ng hakbang upang makapagbigay ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta.

At ngayon, maging ang teknolohiya ay maaari na ring maging daan upang makapagbigay ng ayuda sa mga nangangailangan. Inilunsad kasi ng mobile network na Globe ang kanilang proyekto na gagawin nilang donasyon sa mga evacuees sa Batangas ang rewards points ng kanilang mga subscribers.

Larawan mula sa Globe Rewards

Ang rewards system ay isang uri ng pribilehiyong ibinibigay ng Globe sa kanilang mga parokyano sa tuwing magpapa-load sila o magbabayad ng kanilang postpaid plans. Maaari nila itong ipalit ng iba’t ibang items at rewards tulad ng bawas sa kanilang bills, promo subscriptions, maging gadgets at iba pang produkto.

Ngunit dahil sa nangyaring sakuna sa Katimugang Luzon dulot ng Bulkang Taal, nagkaroon ng panibagong ‘reward’ na maaaring i-claim ang mga subscribers, ngunit hindi para sa kanilang sarili kung hindi sa kanilang kapuwa na nangangailangan.

Sa pamamagitan ng rewards application ng Globe, maaaring piliin ng subscriber ang ‘donate’ at pillin ang ‘rise against hunger.’ One hundred (100) points ang minimum na maaaring i-donate na katumbas naman ng 100 pesos na donasyon para sa kanilang relief operations para sa Taal evacuees.

Sa mga paunang rewards na kanilang nakuha, nakapagpadala na ang Globe katuwang ang iba pang pribadong institusyon ng tulong sa libo-libo pamilya sa iba’t ibang bayan sa Batangas. Nakapamahagi na sila ng pagkain, tubig, at mga toiletries na kailangan ngayon ng mga nasa evacuation centers.

Larawan mula sa Globe

Maliban sa donasyon mula sa nasabing mobile network, naglalagay din ang Globe ng libreng WiFi connection, tawag at charging stations sa apektadong lugar sa Cavite at Batangas. Mas mahaba rin ang free GoWiFi internet service sa iba’t ibang Ayala at Robinson’s Mall sa mga nasabing lalawigan.

Maraming subscribers naman ng Globe ang natuwa dahil mayroon na silang paraan upang makatulong sa mga apektadong residente sa Batangas at Cavite. Sana raw ay bumuo pa ang Globe ng ganitong klaseng proyekto upang mas maraming Pilipino ang matulungan.

Loading…