Isang tuta ipinanganak na kulay berde ang balahibo, pinangalanang “Hulk”

  • Isang tuta ang ipinanganak sa North Carolina na kulay berde ang balahibo
  • “Hulk” ang ipinangalan sa tuta, pero kung minsan ay tinatawag din siyang “Mr. Green”
  • Ipinaliwanag ng isang beterinaryo kung bakit kulay berde ang balahibo ni “Hulk”

Viral ngayon sa social media ang isang tuta sa North Carolina dahil kakaiba ang kulay nito nang ipinanganak – kulay berde ang balahibo nito!

Imahe mula kay Shana Stamey

Isang “incredible experience” daw ito, ayon sa pamilyang may-ari ng German Shepherd na nanganak ng mga tuta na ang isa ay kulay lime green.

Alam ni Shana Stamey at ng kanyang pamilya na ang aso nilang kulay puting German Shepherd na si “Gypsy” ay malapit nang manganak. At isang umaga ay nangyari nga iyon. Walo ang naging supling ni Gypsy.

“She’s done really good. She’s a good mom. She had them in three hours,” sabi ni Shana.

Naging maayos naman ang lahat tulad ng kanilang inaasahan maliban na lang nang lumabas ang pang-apat na tuta dahil lime green ang kulay ng balahibo nito.

“I started freaking out because it was green,” sabi ni Shana.

Bukod sa kakaibang kulay ay wala namang pinag-kaiba ang pang-apat na tuta. Malusog din ito.

“Everybody was healthy,” ani Shana.

Imahe mula kay Shana Stamey

Dahil kakaiba ang kulay, nag-isip ang pamilya ni Shana ng pangalang babagay sa tuta. Naisip nila ng “Gremlin” at “Pistachio” pero nagkasundo ang lahat na “Hulk” ang ipangalan dito.

“Hulk! It was lime green. He was super mad. So, yeah, he became Hulk. We call him Mr. Green sometimes,” sabi ni Shana.

Pero ano ba ang dahilan kung bakit lime green ang balahibo ni “Hulk?”

Isang veterinarian technician sa Junaluska Animal Hospital, si Suzanne Cianciulli, ang nagsabi na may simpleng paliwanag sa lime green na kulay ng tuta – “meconium.”

Ang meconium ay ang “first stool” o unang dumi ng infant mammal.

“Each puppy is located within their own sac in the uterus, and the sac is full of fluid. If they have meconium in that sac, it will actually stain their fur,” paliwanag ni Cianciulli.

Imahe mula kay Shana Stamey

Unti-unti ay mawawala rin ang kulay sa balahibo ni “Hulk” kapag pinaliguan o nililinis siya ng kanyang ina.

May negatibong epekto sa kalusugan ng tuta kung nakainom ito ng fluid na may meconium habang nasa loob ng sac, pero sa kaso ni “Hulk” ay hindi naman ganoon ang nangyari.

Sabi ni Shana, ipaaampon nila ang lahat ng mga tuta kapag lumaki-laki na sila. Pero sa ngayon ay itinuturing nilang lucky charm si Hulk.

Source :

CNN, WLOS

Loading…