Issa Pressman, binasag na ang katahimikan sa pagkadawit sa hiwalayan ng JaDine

Imahe mula sa Instagram | Issa Pressman
  • Binasag na ni Issa Pressman ang katahimikan upang ipagtanggol ang sarili
  • Idinadawit kasi siya sa hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre
  • Sabi niya wala raw katotohanan ang mga kumakalat na kuwento na ipinalit siya ni James kay Nadine

Ilang araw matapos pag-usapan sa social media at idawit sa hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre, naglabas na ng kaniyang saloobin si Issa Pressman.

Imahe mula sa Instagram | Issa Pressman

Sabi niya sa kaniyang Instagram post, “If I stay silent, I’m ‘guilty.’ If I stand up for myself, I’m ‘defensive.’ The world judges either way.”

Gayunpaman, nilinaw niya na hindi totoo ang mga kumakalat na impormasyon na ipinalit siya ni James kay Nadine. “But to end it here and now, everything is 100 percent FALSE,” sabi niya, karugtong ang hashtag na think before you click.

Matapos kasing kumpirmahin ng JaDine na hiwalay na sila ay maraming netizens ang nagpakalat ng mga video na nagpapatunay raw ng relasyon nina Issa at James. Bagama’t malabo ang mga ito, sabi nila ay hinalikan daw ni James si Issa habang nasa likod sila ni Nadine. May larawan pa na magahawak-kamay sila.

Una na siyang pinagtanggol ng kapatid niyang aktres na si Yassi Pressman. Sabi niya, hindi raw papatol ang kaniyang kapatid sa mga ibinibintang sa kaniya ngunit bilang ate ay hindi niya raw kayang panoorin lang na patuloy na binabato ng masasakit na salita ang kaniyang kapatid.

Imahe mula sa Instagram | James Reid

Kalakip nito ang larawan nila ni Nadine. Kuwento niya noong una ay tinatawanan lang nila ang mga kuwento ngunit hindi nila inaasahan na lalaki nang husto ang isyu.

“Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay. Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media. They’re not always the truth. Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information,” sabi niya.

Nag-iwan ng komento rito sina Nadine at James. Sabi ni Nadine, “Love you both, @yassipressman @pressmanissa.”

Si James naman, nag-sorry dahil nadamay pa sila. “Sorry you girls got dragged into this. There are some messed up people out there,” aniya.

Loading…