Isulat nang buo ang ‘2020’ sa anumang dokumento para iwas sa anumang pandaraya – Eksperto

  • Simula ng bagong dekada ang taong 2020
  • At para makaiwas sa anumang pandaraya, napakahalaga na isulat nang buo ang petsa, partikular ang 2020, sa anumang dokumento
  • Huwag sumulat o tumanggap ng dokumentong shortcut version ang nakasaad na petsa, partikular kung ‘20’ lamang ang nakasaad para sa 2020

Napakahalaga ng pagsulat ng petsa sa anumang dokumento. At sa pagsulat ng petsa, nakasanayan na ng marami ang shortcut version nito tulad ng 1-1-19 para sa Enero 1, 2019 (kung buwan/araw/taon).

Imahe mula sa Pixabay

Gayunman, nagbabala ang mga eksperto na sa pagsisimula ng bagong dekada o ng taong 2020 ay napakahalaga na buong maisulat ang petsa, particular ang taon, upang maiwasan ang anumang paraan ng pandaraya.

Katunayan, bago matapos ang 2019, may mga post sa social media na nagpapaalala na dapat nating buuin ang petsa tulad ng 31/01/2020 at hindi 31/01/20 (kung araw/buwan/taon).

Sa payak na pagpapaliwanag, ang 31/01/20 ay maaaring baguhin at gawing 31/01/2019 (2018 o 2017) o ng kahit anong taon na swak sa numerong 20, lalo na sa mga legal na dokumento.

Hangga’t maaari, huwag sumulat ng ganitong pagpapaikli ng petsa at huwag ding tatanggap ng dokumento na ganito ang pagkakasulat sa petsa. Gayunman, para lamang sa taong 2020 ang babalang ito.

Ganito rin ang paalala sa madla ni Justice Undersecretary Markk Parete upang makaiwas sa anumang panloloko ang mga Pilipino.

Sa isang report ng ABS-CBN, binigyang-diin ni Perete na maraming maaaring gawin ang mga kawatan kapag shortcut ang isinulat na petsa sa isang dokumento.

“Puwedeng magdagdag ng isang number. For example for 2020, kapag nilagay mo lang na ‘20’ puwede siyang gawing 2019 or pababa or puwede ring pataas 2021 onward,” paliwanag ni Perete.

Imahe mula sa Pixabay

Kapag umano hindi naging maingat sa pagsulat ng petsa sa mga deed of sale sa pagbebenta ng mga ari-arian, posible rin daw na makatakas sa pagbabayad ng tamang buwis o ng capital gains tax.

Mahalaga rin umano ang pagsulat ng buong petsa sa mga legal na dokumento o sa pagsasampa ng kas0.

Source :

ABS-CBN

Loading…