James Reid at Nadine Lustre, hiwalay na raw ayon sa ilang source; fans ng JaDine iginiit na maling balita lang ang hiwalayan

  • Trending sa social media ang balitang hiwalay na sina James Reid at Nadine Lustre
  • Gayunman, iginigiit ng fans na maling balita ito at nananatili raw na matatag ang relasyon ng dalawa
  • Wala pang reaksiyon sina James at Nadine tungkol sa balita sa kanilang dalawa

Unang araw pa lamang ng 2020 pero mayroon nang nakalulungkot na balita para sa fans ng celebrity couple na sina James Reid at Nadine Lustre. Kumakalat kasi ang balita ngayon na hiwalay na raw ang dalawang Kapamilya stars.

Ayon sa lumabas na ulat ng PEP, hindi na raw magkasama sina James at Nadine dahil sa kanilang mga hindi mapagkasunduang pagkakaiba. Kasabay daw ng hiwalayan ay ang pag-alis din ni Nadine sa bahay ni James sa Quezon City.

Larawan mula sa Twitter

Hindi na rin daw sekreto sa mga malalapit na kaibigan ng dalawa ang naganap na hiwalayan nina James at Nadine. Nakadagdag pa sa ugong ng balita ang sunod-sunod na post ni Nadine sa Instagram na mayroong mga nakaiintrigang caption tulad ng “for good reason, lost all of my love,” “no questions, just go with it,” at “I can’t be who you want.”

Para naman sa fans, tanging hiwalayan lamang ng tambalan on screen ang naganap sa Jadine at hindi sa totoong buhay. Maraming fans ang nagpo-post ngayon sa social media ng ebidensya na magkasama pang nagdiwang ng new year ang multimedia couple.

Sa isang panayam daw, sinabi pa ni James na kasama niyang magdiriwang ng bagong taon si Nadine sa isang lugar sa Rockwell. Nakita ito ng fans sa magkahiwalay na post nina James at Nadine at makikita sa larawang nasa iisang lugar nga lamang sila kahit wala silang kuhang magkasama. Mababatid ito sa background ng kanilang mga larawan na pareho ang setup.

Dahil dito, iginiit ng JaDine fans na mali ang balitang inilabas ng PEP. Ayon sa kanila, hindi raw ito ang unang beses na nagpakalat ang nasabing entertainment website ng maling balita tungkol kina James at Nadine. Naniniwala silang magkasama pa ring nagdiwang ang dalawa ng New Year kasama ang mga kaibigan.

Larawan mula sa Twitter

Sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa isyu. Matatandaang magkakaroon si James ng teleserye na hindi kasama si Nadine ngunit magiging magkatrabaho pa rin sila dahil pumirma si Nadine ng contract sa record label ni James.

Wala pa ring reaksiyon ang PEP patungkol sa kanilang inilabas na ulat tungkol kina James at Nadine. Hindi rin naman nila binubura ang naka-upload na balita sa kanilang website at patuloy itong binabasa ng mga netizens hanggan sa kasalukuyan.

Source :

PEP, Facebook

Loading…