Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, may nakaaaliw na reaksyon sa lumang magazine covers nila

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube
  • Halos maluha sa katatawa si Jennylyn Mercado habang napa-senti naman si Dennis Trillo nang ipakita sa kanila ang lumang magazine covers nila
  • Sabi ni Jennylyn, uso raw noon ang manipis na kilay
  • Si Dennis naman, sinabing totoy na totoy pa siya sa larawan

Hindi napigilan ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado ang mapahalakhak habang napa-senti naman si Dennis Trillo matapos ipakita sa kanila ang magazine cover nila 15 taon na ang nakalilipas.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube

Binisita ng showbiz reporter na si Nelson Canlas ang dalawa sa shoot nila para sa Cosmo. Napa-trip down the memory lane ang dalawa nang ilabas niya ang mga lumang magazine covers ng dalawa.

Una niyang ipinakita ang centerfold na larawan ni Dennis Trillo sa magazine noong taong 2005. Hindi napigilan ni Dennis na matawa rito. “Bata pa ako niyan. Mukha pa akong totoy riyan,” sabi niya sa interview.

Nang ipakita naman kay Jennylyn ang kaniyang larawan noong taong 2007 ay napaluha ito sa katatawa dahil sa laki ng pagkakaiba ng itsura niya noon at  ngayon. Noon daw kasi, uso pa ang manipis na kilay. Napansin niya rin na mas maliit na raw ang kaniyang mukha ngayon. “May mas maganda akong Cosmo [cover] diyan e,” hirit niya pa.

Samantala, naging seryoso naman si Dennis nang tanungin tungkol sa mga pagbabago sa kanila. “Marami na in terms of maturity sa sarili saka pananaw at prinsipyo sa buhay,” saad niya.

Gaganapin ang CoLove Live, ang unang concert nilang magkasama sa Feb. 15, 2020 sa New Frontier Theater.

Imahe mula sa Instagram | Jennylyn Mercado

Nagsimula ang konsepto ng “CoLove” sa mga YouTube covers ng reel turned real couple na kinakiligan ng mga netizens. Isa sa pinaka pinag-usapan ay ang cover nila ng “Finally Found Someone” ni Barbara Streisand kung saan halos hindi maialis ni Dennis ang kaniyang titig kay Jennylyn.

Sa interview sa Pep.ph, sinabi ng dalawa na mga kanta mula sa ’80s at ’90s ang aawitin nila sa kanilang concert.

“Kasi, di ba, lahat ng gumagawa ng covers, puro mga bagong kanta, kung ano yung uso? Naisip namin ayaw naming sumabay, kasi hindi rin namin kayang sumabay! At saka kapag narinig mo yung ’80s and ’90s music, mapapaisip ka, ‘Aww…Na-miss ko yung kanta na ‘yan. Tapos ngayon ko lang ulit narinig,'” paliwanag ni Jennylyn.

Tara nang maki-throwback sa kanila sa video na ibinahagi ng GMA network via YouTube:

Source :

YouTube, Pep.ph

Loading…