Jodi Sta. Maria sa kanyang pagiging single: “Time to grow as an individual; alone doesn’t mean lonely”

  • Masaya raw si Jodi Sta. Maria ngayon kahit wala siyang karelasyon
  • Ito ang pahayag niya sa TWBA at sinabing marami raw siyang nalalaman sa pagiging single
  • Hindi naman daw ibig sabihin na porke’t mag-isa ka ay malungk0t ka na

Tinitingala ang aktres na si Jodi Sta. Maria hindi lamang sa kanyang mahusay na pagganap sa telebisyon at pelikula, kung hindi dahil isa siyang babaeng mayroong magandang pananaw sa mga bagay bagay. Marami ang humahanga sa mga binibitawan niyang payo at salita sa mga panayam.

At muling pinahanga ni Jodi ang madla dahil sa mga binitiwan niyang salita patungkol sa pagiging single. Nakapanayam siya sa isang episode ng Tonight with Boy Abunda at natalakay dito ang pagiging single ng 37-anyos na Kapamilya actress.

I-click ang larawan upang mapanood ang video ng ABS-CBN

Dito ay ipinahayag niya na kahit daw wala siyang karelasyon ngayon ay hindi naman niya nararamdamang may kulang sa kanya, bagkus ay nagagamit pa raw niya ang panahon bilang single upang lalong makilala ang kanyang sarili. Sinabi niya na ang pag-iisa ay hindi laging nangangahulugan ng kalungkutan.

“Ako nae-enjoy ko siya. Parang ito yung time talaga to grow as an individual. You discover a lot of things about yourself… Alone doesn’t mean l0nely,” sabi ni Jodi kay Boy nang may ngiti.

Sinabi pa ni Jodi na sa yugto raw ng kanyang buhay ngayon, ay nararamdaman niyang kuntento siya at dumating na raw siya sa punto na hindi na siya nagrereklamo sa kung anong mayroon o wala siya lalo na sa takbo ng karera niya dahil pinasok na rin niya ang pagpo-produce.

“I just feel content. Kung nasaan ngayon ng season ng life ko, parang hindi ako nagko-complain… Masaya ako,” dagdag pa ni Jodi na masaya rin sa piling ng anak na si Thirdy.

Larawan mula sa Instagram post ni Jodi Sta. Maria

“I never realized na it can be a wonderful and beautiful season pala. You can still enjoy life and be in l0ve with life more than ever being a single person,” sambit ni Jodi na sinang-ayunan naman ni Boy.

Matatandaang inamin ni Jodi ang naging hiwalayan nila ng actor-turned-politician na si Jolo Revilla noong nakaraang taon. Ngunit naganap ang hiwalayan nila noong 2018 pa. Abala ngayon si Jodi sa kanyang digital series na My Single Lady kung saan siya ang lead actress at isa sa producers ng show.

Source :

YouTube, PUSH

Loading…