Joem Bascon, Meryll Soriano mailap sa mga tanong tungkol sa balikan

Imahe mula sa Instagram | Meryll Soriano at Joem Bascon
  • Naging usap-usapan ang pagbabalikan daw nina Joem Bascon at Meryll Soriano matapos ang 10 taon
  • Ito ay dahil sa isang larawan na nagpapakitang sabay na sinalubong ng dalawa ang Bagong Taon
  • Hindi naman nila sinagot nang diretso ang mga tanong tungkol sa kanilang ‘pagbabalikan’

Naging mailap sina Joem Bascon at Meryll Soriano sa pagbibigay ng tuwirang sagot kung totoo ba ang kumakalat na mga balita na nagkabalikan na sila matapos ang isang dekadang paghihiwalay.

Imahe mula sa Instagram | Mel Martinez

Nagsimula ang usap-usapang ito matapos makuhanan ng larawan ang dalawa na magkasama umanong sinalubong ang Bagong Taon kasama ang pamilya ni Meryll.

Nang tanungin tungkol sa isyu, hindi ito diretsahang sinagot ni Joem at sinabi lamang na mahalaga sa kanila ang ‘Starla,’ ang teleserye kung saan kasama niya si Meryll, dahil marami raw pagkakaibigan ang nabuo rito.

Dagdag pa niya, wala raw signal sa kanilang set kaya naman puro kuwentuhan at bonding ang kanilang ginagawa kapag hindi pa nila eksena. Ito raw ang dahilan kaya nakabuo ang mga cast ng friendship.

“Even after hindi kami nag-te-taping, nagkikita kami… We get together. It’s very special for me, especially, kasi sobrang tagal naming ginawa ang ‘Starla.’ Talagang naging magbabarkada kami, naging masaya kami na magkakasama,” kuwento niya sa presscon.

Tinanong din sila kung kasing special ba ng Starla ang Betty La Fea, ang hit series noong 2008 kung saan daw nabuo ang pag-iibigan ng dalawa noon. Sinabi ni Joem na mahalaga rin ito sa kaniya dahil ito ang una niyang proyekto sa ABS-CBN.

“Siguro kung may nabuo o ano, nabuo ‘yung pagkakaibigan at pagmamahalan namin sa isa’t-isa at tini-treasure naming lahat ‘yun,” saad niya.

Imahe mula sa Instagram | Meryll Soriano at Joem Bascon

Ganito rin ang naging reaksyon ni Meryll na tinawag na very,very special ang Betty La Fea. Ngunit nang tanungin kung hiniling niya ba kay Starla, ang karakter na tumutupad sa hiling ng mabubuting tao, ang pakikipagbalikan kay Joem, ang tanging isinagot niya ay “Abangan sa last five starry nights.”

Nausisa rin ang dalawa tungkol sa magkasamang pagsalubong sa 2020 ngunit ang sagot lamang ni Meryll ay “Happy New Year, Happy 2020!”

Kamakailan lamang ay kinumpirma ni Joem ang hiwalayan nila ng girlfriend of eight years na si Crisha Uy. “”Hanggang doon na lang siya. Kapag pinilit pa, on my side siguro mas magiging magulo. So I guess hanggang doon ko lang talaga kaya,” sabi noon ni Joem.

Loading…