Jomari Yllana, naniniwala na ‘Love is lovelier the second time around’ matapos ang balikan nila ni Priscilla Almeda

Imahe mula sa Instagram | Abby Viduya
  • Sang-ayon daw si Jomari sa kasabihang ‘Love is lovelier the second time around’
  • Ito ay matapos nilang magkabalikan ng dating nobyang si Priscilla Almeda matapos ang dalawang dekadang pagkakahiwalay
  • Ang isa’t isa na rin daw ang gusto nila makasama hanggang sa pagtanda

Totoo ang kasabihan na “Love is lovelier the second time around” para kina Jomari Yllana at live-in partner na si Priscilla Almeda na nagkabalikan matapos ang dalawang dekada.

Imahe via Instagram | Abby Viduya

Sa isang interview ng Pep, sinabi ito mismo ni Paranaque City Councilor Jomari. “Oo, it is lovelier,” sabi niya. Kahit daw marami na silang pinagdaanan, maganda man o hindi, sa kaniya-kaniyang buhay nila maging noong mga panahon na magkahiwalay sila ay naniniwala silang kaya nilang maging positibo ngayon na muli na silang magkasama.

“Ako, I believe na kami yung type na hindi tumitingin sa regrets ng buhay. Kung siguro iku-combine mo yung pinagdadaanan ni Abby at saka yung pinagdadaanan ko—sa buhay, ha, in life, e—punung-puno siya ng… colorful, maraming masaya,” sabi niya. “Kami yung tipo ng tao na paggising sa umaga, kapag kami nagkausap, kung anuman yung mga pinagdaanan naming hindi maganda, kami siguro yung tipo na kaya naming gawing positive ang nakaraang negative.”

Unang naging magkarelasyon noong dekada ’90 sina Jomari at Priscilla na noon ay kilala pa bilang Abby Viduya. Pareho silang teenager pa noon. “We were too young, but definitely we were feeling something for each other. And it was nice. Siguro nababalik lang, bumabalik. We share a lot of stories sa isa’t isa and yung love, hindi talaga nawala.”

Imahe mula sa Instagram | Jomari Yllana

Nang tanungin kung ang isa’t isa na ba ang gusto nilang makasama hanggang sa pagtanda, kapwa sila tumugon ng oo. Pareho silang 43 anyos na ngayon. “Oo, may edad na kami, e! Oo naman,” sabi ni Jomari. Sumang-ayon naman dito si Priscilla, “Oo, totoo.”

Annulled na si Jomari sa dating asawang si Aiko Melendez, ina ng anak niyang si Andre Yllana. Samantala, hiwalay na rin si Jomari sa dating nakarelasyon na si Joy Reyes, ina ng dalawang anak niyang lalaki. Si Priscilla naman ay hiwalay na rin sa non-showbiz partner at may tatlo ring ng anak.

Source :

Pep, Instagram, MSN

Loading…