Judy Ann Santos nagluto para sa mga evacuees; Ryan Agoncillo personal na naghatid ng tulong

Imahe mula sa Instagram | Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos
  • Nagpaabot ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ng tulong para sa mga evacuees na apektado ng pagsab0g ng Bulkang Taal
  • Nagbahagi sila ng mga larawan sa Instagram na nagpapakita ng mainit na pagkain, relief goods, at mga damit na ipinamigay nila sa mga nasalanta
  • Hiling ni Judy Ann na muli raw makabangon ang mga kababayang naapektuhan ng Bulkang Taal

Patuloy ang pagbuhos ng tulong para sa mga evacuees na naapektuhan ng pagsab0g ng Bulkang Taal. Maging mga ordinaryong mamamayan o artista ay nagkapit-bisig na upang maipadama sa mga apektadong kababayan na kakayanin nilang muling makabangon

Imahe mula sa Instagram | Ryan Agoncillo

Ang mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, nag-abot na rin ng tulong sa mga taga Batangas. Ibinahagi nila ito sa kani-kaniyang Instagram account.  “A thousand packed food from Tita Femi with tinapay. Towels and blankets from our friends, old clothes… Darating po lahat ito sa Rosario,” sabi ni Juday.

Bukod dito, nagluto rin sila ng pagkain na sapat para sa 1,000 tao sa evacuation center. “Paksiw na baboy to be served to 1,000 individuals later tonight,” saad niya sa post.

Sa hiwalay na post, ipinakita rin ni Judy Ann ang mga reusable boxes na pinaglagyan nila ng mga relief goods para sa 35 pamilya. Ito raw ang ginamit nila upang hindi na makadagdag sa mga basurang naiipon sa evacuation areas.

Imahe mula sa Instagram | Judy Ann Santos

“By using reusable boxes instead of plastic bags ang paglagyan natin ng tulong sa mga kababayan natin, sabay nating natutulungang mabawasan ang pagdagdag ng basura sa evacuation areas,” sabi niya sa caption.

Nagbahagi rin siya ng larawan ni Agoncillo na bumisita raw sa dalawang evacuation centers upang magbigay ng mainit na pagkain sa mga naroon. “Sama sama tayong babangon para sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong at pagdamay,” sabi pa ni Judy Ann.

Nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Taal Volcan0 na nangangahulugang  posibleng mangyari ang hazard0us expl0sive erupti0n sa loob ng ilang oras o araw.

Loading…