Julie Anne San Jose, Catriona Gray at KZ Tandingan, itinalaga bilang NCCA Ambassadress for Music and Arts

  • May bagong celebrity ambassadors ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA)
  • Ito ay sina Julie Anne San Jose at Catriona Gray na unang beses maglilingkod sa NCCA
  • Si KZ Tandingan naman ay ikalawang sunod na taon na bilang ambassador ng komisyon

Maliban sa kanilang mga proyekto sa telebisyon at pelikula, maaari ding maging modelo ng magaganda at makabuluhang gawain ang mga celebrity. Kaya naman ang pamahalaan ay madalas kumuha ng mga artistang may magandang kredibilidad upang dalhin ang mahahalagang mensaheng nais nilang ipabatid sa kanilang mga proyekto.

Isa sa mga nagtitiwala sa kakayahan ng mga artista ay ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA). At sa pag-uumpisa ng national arts month sa Pebrero, itinalaga ang tatlong malalaking personalidad bilang kailang ambassadors—sina Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose, Asia’s S0ul Supreme KZ Tandingan, at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Larawan mula sa Instagram account ni Julie Anne San Jose

Ito na ang ikalawang sunod na taon ni KZ bilang ambassador for music ng NCCA, habang unang beses namang kukunin sina Julie Anne para sa music din, at si Catriona para sa arts. Napili sila dahil sa kanilang naging kontribusyon sa kani-kanilang larangan at hinahangaan ng mga kabataan at mga Pilipino.

Sa Instagram account ng Kapuso singer, nagpasalamat siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng NCCA at sinabi nitong magandang oportunidad ito upang mapalaganap niya ang pagmamahal niya sa kultura at sining.

“Thank you, National Commission for Culture and the Arts (NCCA) for making me your newest Music Ambassador, for the warm welcome and for providing more opportunities for Filipino artists to pursue their passions! I am grateful and honored to be chosen as one of the advocates for Filipino music, culture, and arts,” sabi ni Julie Anne.

Larawan mula sa Instagram account ni Julie Anne San Jose

Bilang mga ambassadress ng NCCA ngayong taon, nakatakdang gampanan ng tatlo ang iba’t ibang adbokasiya sa ilalim ng komisyon. Una na rito ang pangunguna sa gagawing mga programa para sa National Arts Month na mayroong temang “Ani ng Sining.”

Masaya naman ang fans ng tatlong world class Pinoy celebrities sa bago nilang gampanin. Patunay daw ang pagkilalang ito ng NCCA na kayang magtulungan ng bawat mamamayan para mapanatili ang kultura at sining ng mga Pilipino.

Loading…