Kabayanihan ng SAF 44, dapat daw ikuwento sa mga susunod na henerasyon

Imahe mula sa PNA
  • Hinimok ni PNP deputy chief for operations Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang mga Pilipino na ipaalam sa susunod na mga henerasyon ang sakripisyo ng SAF 44
  • Nagbuwis ng buhay ang SAF 44 nang maglunsad ng operasy0n laban kay Marwan sa Mamasapano
  • Limang taon na ang nakalilipas simula nang mangyari ito

Dapat daw ipaalam sa mga susunod na henerasyon ang kabayanihan ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) na nagbuwis ng buhay sa engkwentro sa Mamasapano, ayon kay PNP deputy chief for operations Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

Imahe mula sa PNA

Kung hindi raw dahil sa ginawang sakripisyo ng mga ito ay marami pa sigurong naisakatuparan na pananak0t si Marwan na siyang target ng operasy0n.

“Once upon a time, a large group of elite p0lice commandos was called upon to perform an impossible task of penetrating an enemy stronghold in the remote area of Mamasapano in Maguindanao to bring justice to the Muslim and Christian civilians who perished from the expl0sives made by an international terr0rist, Marwan,” sabi ni Eleazar.

Imahe mula sa PRO BARMM

Dagdag pa ni Eleazar, sana raw ay igalang at bigyan ng mga Pilipino ng hustisya ang SAF 44.

“Let us honor and give justice to our SAF 44 heroes by emulating the courage they displayed and the heroism that they showed. Let us honor them with the stories of courage and heroism that we must tell to the generations to come. Let us honor our SAF 44 heroes by being like them,” sabi niya.

Sinisiguro naman daw ng gobyerno na nabibigyan ng sapat na suporta ang naiwang pamilya ng SAF 44 commandos. Binibigyan din daw nila ng makabagong mga armas ang mga SAF.

Enero 25, 2015 nang masupil ang 44 na miyembro ng SAF sa engkwentro nila laban sa mga rebelde sa Mamasapano, Maguindanao. Target ng operasy0n noon si Marwan na kinikilalang nagsasanay sa mga rebelde sa paggawa ng mga pampasab0g na ginagamit nila sa paghahasik ng lagim.

Source :

PNA

Loading…