Kakaibang pangalan ng tindahan ng milk tea, kinaaliwan

  • Nakapukaw sa atensyon ng mga netizens ang nakaaaliw na pangalan ng isang milk tea shop
  • “Bobakatea” ang pangalan nito na nagbunsod ng katatawanan
  • Isa sa mga patok na inumin ngayon ang milk tea o tinatawag ding bubble tea

Isa sa mga sikat na inumin na talaga namang pinipilahan ngayon ang milk tea. Sa mall man o mga lansangan, talaga namang patok ang milk tea mula bata hanggang sa mga nakatatanda. Iba–iba ang mga flavor at mga karagdagang toppings na talaga namang kinababaliwan ng lahat.

Kaya naman, nagbunsod ng katatawanan sa mga netizens ang kakaiba at “pinag-isipang” pangalan ng isang milk tea shop. Paano nga bang hindi ito makakukuha ng atensyon sa mga netizens at maging sa mga customers nito dahil ang pangalan nito, batay sa Facebook post sa page na “Ginalingan” ay “BOBAKATEA”?

Imahe mula sa Facebook page na Ginalingan

Hindi naman natukoy kung saang lugar matatagpuan ang naturang milk tea shop. Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens. Sabi ng isa, “So kapag uminom ako diyan, below sea level na rin ang IQ ko? Hindi ako bibili ng milk tea diyan!”

“For me, ang witty ng nakaisip ng pangalan ng shop. Eye–catching! Ganiyan dapat kapag business. Dapat creative sa name pa lang para makahatak ng customers,” komento naman ng isa.

Reaksyon naman ng isa, “Siguro nagiging boba ‘yung mga nakakainom ng milk tea nila, hahaha, saan kaya ito makikita?”

Ang milk tea o tinatawag ding bubble tea ay isang uri ng inuming pinaghalong gatas at tsaa, at nilalagyan pa ng ibang mga flavor. Sinasabing nagmula ito sa bansang Taiwan. Noong 1990,  sumikat ito sa Silangan at Timog–Silangang Asya. Kumalat na rin ito sa iba’t ibang bansa gaya ng Amerika, kontinenteng Australia, kontinenteng Europa, gayundin sa South Africa.

Public Domain Image

Sa Pilipinas, sumikat ito dahil sa pagpasok at impluwensiya ng Korean pop culture, kasabay ng pag–usbong ng pagkahirati ng mga Pilipino sa panonood ng mga Koreanovela, at paghanga sa mga K–Pop idols.

Loading…