Kakaning palitaw sa latik, linamnam ay walastik

  • Natakam ang mga netizen sa larawan ng palitaw na may latik sa Facebook page na Memories of Old Manila
  • Hindi kasi ito madalas na nakikita ng mga tao
  • Ang palitaw ay isang uri ng kakanin at ang latik naman ay mula sa gata ng niyog

Isa sa mga popular na pagkaing inihahain sa pagdiriwang ng Bagong Taon ang mga kakanin. Ayon sa paniniwala ng Tsino, ang paghahanda ng kakanin sa pagsalubong sa Bagong Taon ay nagbabadya ng pagkakabuklod–buklod ng pamilya. At dahil tayong mga Pilipino ay makapamilya, bawat isang tahanan ay tinitiyak na may handang kahit isang kakanin.

Kung sawa ka na sa ibang kakanin at naghahanap ng kakaiba, bakit hindi subukin ang palitaw with a twist?

Ang tipikal na palitaw na nilalagyan lamang ng asukal na pula at sesame seeds ay maaaring itubog sa latik. Talaga namang linamnam na walang kapantay —  walastik talaga! Ibinahagi ito ng isang netizen na nagngangalang “Yolanda” sa Facebook page na Memories of Old Manila.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Ayon sa kaniyang Facebook post, “Kalamay sa latik o palitaw sa latik ang paboritong iluto ni Nanay ko.”

Natakam naman ang mga netizen sa ibinahaging larawan ng palitaw na latik. May ilang mga nagsabing nakatikim na raw sila nito at talaga namang nakatutulo ng laway ang sarap nito.

Sabi ng isa, “That’s my fave.  Masikoy po tawag namin diyan, sobrang sarap po niyan tapos halos makalimutan mo buong pangalan mo kapag natikman mo na. Kadalasang niluluto tuwing Mahal na Araw, may birthday, Undas, Christmas and New Year.”

“Yes, that’s one of the desserts we have on our New Year’s Eve. That is truly yummy. Pagkaing Pinoy talaga,” turan naman ng isa.

Komento naman ng isa, “Ito ang gusto ko!!! Sa Angeles, Pampanga naman ang sauce na gamit ay gatas ng kalabaw. Napakasarap.”

Isang netizen naman ang nagbahagi kung paano ito ginagawa. “Magluto kayo ng latik, lagyan ninyo ng asukal na brown, tunawin at lagyan ng kaunting gata, doon sa pinaglatikan. Ibuhos sa palitaw.”

Public Domain Image

Wala namang masama kung susubukin, hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…