Kalusugang pangkaisipan ng mga evacuees, tututukan ng DOH

  • Mental health ng mga evacuees tututukan ng DOH
  • Ilang trained psychosocial health officers ang nakikipagtulungan sa DSWD para tutukan ang mga pangangailangan ng mga evacuees hinggil sa pangkaisipang kalusugan
  • Bukod sa mental health, tututukan din ng DOH ang nutrisyon ng mga evacuees partikular na ang mga bata at nanay na nagpapa-breastfeed

Masusing binabantayan ng Department of Health (DOH) ang kalusugan ng mga taong naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal na nananatili ngayon sa mga ilang evacuation centers ng pamahalaan.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na maraming matatanda ang nagkaroon ng trauma (ang trauma ay maaaring makasira ng kalusugan at kagalingan ng pag-iisip) matapos magbuga ng maraming abo ang Bulkang Taal na umabot sa taas na 55,000 talampakan noong nakaraang linggo.

“They thought it was the end of the world, especially in the initial days of the volcanic eruption that, not only did it spew ash and pyroclastic materials, but also the thunder, the lightning that were coming out,” sabi ni Sec. Duque sa isang panayam.

Anang kalihim, kasalukuyang nakikipagtulungan ang ilang trained psychosocial health officers sa Department of Social Welfare and Development upang magbigay ng serbisyo na tutugon sa mga pangangailangan ng mga evacuees hinggil sa pangkaisipang kalusugan.

Kabilang ang book reading, games at maging religious events sa kanilang ginagawa sa mga evacuation centers upang malihis ang isipan ng mga evacuees sa trauma na dulot ng nangyaring kalamidad.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

“This will certainly be difficult to manage if we don’t respond to them immediately through psychosocial mental health services and other appropriate interventions,” paliwanag ni Sec. Duque.

Sa kasalukuyan ay may pitong response team mula sa DOH Region 2 na tumututok sa mental health ng mga evacuees.

Ayon kay Dr. Leticia Cabrera, assistant regional director ng DOH Region 2, hindi maikakaila na na-stress ang mga tao sa pagsabog ng bulkan kaya kailangan nila ang tulong ng mga doktor upang maipahayag nila ang kanilang nararamdaman.

Bukod sa mental health, tututukan din ng DOH ang nutrisyon ng mga evacuees partikular na ang mga bata at nanay na nagpapadede ng mga anak.

Imahe mula sa RMN

Loading…