Kampo ni Nadine Lustre handang harapin sa korte ang Viva Artists Agency

  • Kampo ni Nadine Lustre sinagot ang banta ng Viva Artists Agency
  • Handa ang kampo ng aktres sa isang legal battle laban sa Viva
  • Si Nadine ay nauna nang naglabas ng pahayag na hindi na siya talent ng Viva Artists Agency

Kasunod ng banta ng Viva Artists Agency laban kay Nadine Lustre dahil sa diumano ay breach of contract, nagpahayag ang kampo ng aktres na handa silang humarap sa isang legal battle.

Imahe mula sa Instagram account ni Nadine Lustre

“We welcome any legal action by Viva so their unconscionable, oppressive and illegal contract with Nadine (and their other artists) can be litigated in the proper forum,” pahayag ni Atty. Lorna Kapunan, ang legal counsel ni Nadine.

Matatandaang noong ika-24 ng Enero ay naglabas ng statement ang aktres sa pamamagitan ng Kapunan & Castillo Law Offices na hindi na siya talent ng Viva Artists Agency.

Imahe mula sa Instagram account ni Nadine Lustre

Napagdesisyunan umano ni Nadine na tapusin ang kontrata sa Viva ayon sa karapatan niya sa ilalim ng Civil Code of the Philippines, partikular na ang Article 1920.  Ang aktres na umano ang magma-manage ng sarili niyang career.

Nagbigay naman agad ng pahayag ang Viva at sinabing “Under the law, Nadine cannot unilaterally withdraw from her contract with VIVA.”

Nagbanta pa ito ng legal action laban sa aktres at sa sinumang direktang makikipagkontrata sa kanya nang walang pahintulot ang ahensya.

Imahemula sa Viva Artists Agency, Inc.

“Any dealings or professional engagements entered into by Nadine, without the consent or approval of VIVA constitutes breach of contract. VIVA shall initiate appropriate legal action against Nadine and/or third parties that directly deal with Nadine in contravention of VIVA’s Management Contract,” ayon sa Viva.

Kinontra naman ni Atty. Kapunan ang naging pahayag ng Viva.

“Viva lawyers have not replied to our earlier letters but chose to wait in ambush to malign Nadine and harass third parties dealing with her in good faith. This is wrongful and malicious contract interference by Viva actionable in law for damages,” anang abogado.

Loading…