Kapamilyang Kapatid? TV5 CEO Manny Pangilinan, handa raw saluhin ang ABS-CBN sakaling hindi ma-renew ang franchise nila

  • Ngayong 2020 ay nakatakdang mag-expire ang franchise ng ABS-CBN
  • Kung hindi raw mare-renew ang franchise, handa ang TV5 na saluhin ang Kapamilya newtork
  • Handa raw silang magbigay ng timeslot sa mga Kapamilya shows kung makikipagpulong ang mga ABS-CBN bosses

Ilang buwan na lamang ay mae-expire na ang franchise ng broadcast giant na ABS-CBN. At sa nalalapit na expiration ng franchise, ay nagkaroon pa ng patutsada si Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang renewal nito at mas mabuti pang ipagbili na lamang nila ang network sa ibang negosyante.

At sa gitna ng usapin ng franchise renewal, isang television network ang handang saluhin ang ABS-CBN sakaling hindi na sila makapag-operate. Inihayag ng CEO ng TV5 at PLDT Group of Companies na si Manny V. Pangilinan na handa sila sa blocktime deal sa Kapamilya shows sa Kapatid network.

Larawan mula sa Smart Communications

Ayon kay Pangilinan sa isang pahayag, bukas naman daw ang TV5 at kanilang sister network na 5 Plus na magpalabas ng mga Kapamilya shows. Handa naman daw sila sa negosasayon sa mga bosses ng ABS-CBN at handa silang isantabi ang network war.

“We have lots of highways on 5. Setting aside the politics, if they want to blocktime, we are prepared to talk. We don’t have much entertainment content. It’s up to them,” pahayag ni Pangilinan. Sa kasalukuyan kasi, halos sports ang napapanood sa TV5 at may partnership deal din sila ng sports network na ESPN.

Gayunman, kahit bukas daw sila sa negosasyon sa Kapamilya network, maaari daw kasing may masabi ang pangulong Duterte sakaling tulungan nila ang ABS-CBN kaya may pag-aalinlangan din sila sa gagawing blocktime deal kung sakali.

“Of course politically, the President might say something so we are reluctant,” paglilinaw ni Pangilinan. Bago naging sports channel ang TV5, nakilala rin sila sa ilang sikat na entertainment shows kabilang ang ‘Talentadong Pinoy,’ WilTime Bigtime,’ ‘Face To Face,’ at ‘Juicy.’

Larawan mula sa YouTube

Nilinaw din ni Pangilinan na bagama’t isang magandang deal ang pagbili sa ABS-CBN katulad ng sinabi ni Duterte na ipagbili na lamang ito, ayaw naman daw niyang pangunahan at ayaw niyang isipin na tuluyan nang hindi mare-renew ang franchise ng Kapamilya network.

“I don’t want to be presumptuous; we don’t want to think about it. It’s up to them. But we’re not offering them anything. We’re not suggesting anything to them so there are really no talks,” sabi ni Pangilinan.

Loading…